one night mistake

2 0 0
                                    

One Night Mistake

Chapter 6:

Nagising ako ng isang gabing may gustong kainin. Hating gabi na ngunit hindi ko inatubling gisingin si Dominique kasi siya lang naman ang nagsabi na gigisingin ko siya pag may gusto akong kainin.

“Dominique, gising.” Niyogyog ko ang balikat niya at tinampal-tampal ang pisngi nito. “Dominique, gising! Nagugutom ako.”

Umungol lang siya at nagtalukbong ng kumot. Inis kong inalis ang kumot na nakatakip sa kaniyang mukha at kinurot ang ilong niya.

“Sweep, Nicholatte.” Mahina niyang sabi at mali pa ang pagkabigkas ng sleep.

“Nagugutom ako. Gusto ko kamote de light.” Sabi ko at ine-imagine ang matamis na lasa ng paborito kong dessert. Una kong tikim niyon ay no’ng dinalhan kami ni ate Calla galing probinsiya at sobrang worth it ang lasa nito, kaya ngayon gusto ko ulit kumain niyon.

“Dominique!” Naiinis na tawag ko sa pangalan niya. Minulat niya ang kaniyang mapupungay na mata at nakabusangot na tumayo sa higaan.

“It’s 11 in the midnight, Cholatte, puwede bang ipagbukas mo na lang ‘yang request mo?” Tanong niya at hinilot ang sintedo.

“Kung makikita mo pa ako bukas.” Inis kong sabi at inirapan siya.

“What?”

“What–whatin mo mukha mo. Gusto ko nga kamote de light!” Sigaw ko at nagpapadyak.

“What is kamote de light? And where I can buy that food?” Salubong ang kilay niyang tanong.

“Aba malay ko sa’yo. Basta bilhan mo’ko no’n.” I pouted and look at him with my cute face.

“Shit.” Mahina niyang bulong at ginulo ang buhok. “Stop what you doing. That’s not working on me. I ask you where I can get that food, Nicholatte. I don’t know what is kamote de light for sake.” Tila nahihirapan niyang sambit.

“Nakabili si ae Calla dun noon sa Mindanao —”

“Mindanao? Are you out of your mind? Pupuntahin mo’ko sa Mindanao just to buy your foods?” Hindi makapaniwala niyang tanong.

“Ang anak mo ang may gusto ng kamote de light at hindi ako.” Sabi ko. “Ano! Babilhan mo siga o hindi?”

“Fuck, fine. Stay here make yourself go to sleep, gigisingin na lang kita pag nakarating ako.” Lumapad ang ngiti ko at mabilis na bumalik sa higaan.

“Okay, ingat.”

“Whatever, woman.”

Paggising ko kinabukasan ay walang Dominique sa tabi ko, hindi niya ba binili ang gustong kong kainin kagabi? Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Tiningnan ko ang oras at alas nuebe na pala ng umaga.

Pagbaba ko ng hagdan ay ang pagpasok ni Dominique sa pinto ng bahay a may dalang box. His missy hair was suit his look, pero klarong klaro ang mapupungay niyang mata at ang itim sa baba nito.

“Saan ka galing? At ano ‘yang hawak mo?” Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang box na dala niya ngunit walang sticker na nakalagay kung ano ‘yon.

“Where have I have been? Really, Nicholatte. You asked me where I've been? I’m just fucking buying the food for our baby. Baka nakakalimotan mo?”

“Bakit ka galit?” Salubong ang kilay kong tanong sa kaniya. He sighed and fake smile.

“I’m not okay? Just….just take this and eat, ‘cause I’ve been in Mindanao just to buy your camote de light.” Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“Talaga? Pumunta ka ng Mindanao para bumili nito?” Namamangha kong tanong.

“Yes. So….go and eat all of these.” Sabi niya at nilahad sa akin ang tatlong box. Pero sayang.

“Salamat sa efforts mo pero kaso ano e…”

“What?”

“Ano..uhmm h–hindi kona ‘yan gustong kainin. Mas gusto ko pizza, bilhan mo’ko dal—”

“What? Are you fucking kidding me, woman?!” Napaatras ako sa sigaw niya at sa klaseng tingin na ginawad niya sa akin. “I drive 5 hours just to get this damn dessert of yours pero hindi mo pa pala kakainin?

“Hindi. Sa’yo na ‘yan. Sa taas lang ako, hihintayin ko ang pizza ha. Babye.” Mabilis akong tumalikod sa kaniya at rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na pinansin.

“Saan ang pinabili ko sa’yo, Dominique? Ilang oras na akong naghihintay sa taas.” Bungad ko sa kaniya pagkababa ko ng hagdan, kanina pa ako nag c–crave sa pizza!

“Refrigerator.” Mahina niyang sabi at nasa diyaryo pa rin ang tingin.

“Bakit hindi mo pinadala sa kwarto e kanina ka pa pala nakabili.” Naiinis kong wika, I don’t know kung bakit ako naiinis dahil ba ito sa pagbubuntis ko?

“I’m not your maid, woman. So stop commanding me to your wants and needed, nasa pamamahay kita kaya matuto kang rumespeto.”

“Wala akong pakialam, kung hindi mo sana ako binuntis edi sana hindi ka nahihirapan ngayon. Lumayas ka nga dito.” Inirapan ko siya at tinalikuran.

“What? Papalayasin mo’ko sa pamamahay ko? Are you stupid?” Sigaw niya. Huminto ako at tiningnan ulit siya.

“Mama mo stupid.” Sabi ko at binilatan siya.

“Mama ko? Excuse me, my mom is not stupid.” Tumayo siya at salubong ang kilay.

“Bobo.” Mahinang sabi ko at tinalikuran ko siya at tumungong kusina para kainin ko ang pizza na binili niya

one night mistakeWhere stories live. Discover now