One Night Mistake
Chapter 4:
Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Black and White ang kulay nito at may nakasabit na furniture sa dingding. May malaking chandelier sa ibabaw na kulay ginto, ang lawak ng silid na ‘to. Ganito lang kalaki ang apartment namin nila ate Calla.
Nabalikwas ako ng bangon ng bumalik ang nanyri sa akin kanina sa labas ng Hospital. May humablot sa kamay ko at sapilitan kong pinapakawalan ang kamay ko ngunit nakaramdam ako ng hilo kaya’t natumba ako pero bago pa ako matumba may sumalo na sa akin. Isa lang ibig sabihin nito, nasa panganib ako at ang anak ko. Kinidnap kami.
Napitlag ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaking may dalang mga baril. Wait, papatayin ba nila ako? Napanganga ako sa kawalan dahil sa isang taong huling pumasok ng silid. It was him. What he’s doing here? Siya ba ang kumidnap sa akin?
“Finally you are a wake already.” Madilim na sabi nito habang magkasalubong ang kilay. Bakit ganiyan siya makatingin sa akin wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
“Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo’ko kinidnap? Alam mo bang puwede kitang ipakulong dahil sa ginagawa mo?” Sabi ko at sinamaan siya ng tigin.
“And do you also know that I can put you in jail for hiding my child from me?” Matigas na sabi nito habang madilim ang mga matang nakatingin sa akin.
“A–ano?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Bakit niya alam? Hindi niya ako nakita ng gabing ‘yon dahil madilim at tanging lamp shade lang ang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong silid. “N–naka drugs ka ba?”
“No. Ikaw naka drugs ka ba?” Slang niyang pagtatagalog. “I can sue you for doing that. You’re pregnant with my child and you didn’t fucking tell me? Why? ‘cause I’m bad boy on your eyes? ‘cause I’m drunkard? For fucking sake, I can buy what my child wants and needs. I can buy toys, cars, diapers even you I can buy you!” Sabi niya habang namumula sa galit?
“A–anong pinagsasabi mo? H–hindi kita kilala, w-wala kang anak s–saakin. H–hindi mo anak ang dinadala ko.” Nanginginig ko sabi habang may namumuong luha sa mga mata.
“Fucking bullshit!” Sigaw niya kaya napaiktad ako at napapikit dahil om-echo ang boses niya sa silid. “Bring me the girl.” Sabi niya sa isang kasama nito.
“Yes, boss.”
“Let see if you can lie any more now.” Katulad kanina ay ang kaniyang mga mata ay puno pa rin ng galit at sakit. Bakit niya na laman na siya ang ama ng dinadala ko? Si Ara, Brigitte, at ate Calla lang ang pinagsabihan ko. Sana wala ni isa sa kanila dahil hindi ko mapapatawad kong may isa sa kanilang nag sumbong.
Bumalik ang isang armadong lalaki na may hawak na babae pero nakatakip ang ulo nito. Tinanggal ng lalaki ang takip at bumungad sa akin ang isang babae na may takip sa bibig.
“A–ate Calla.” Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa oras na ito, gusto kung umiyak ngunit walang luhang lumabas sa aking mata. Bakit siya? Bakit siya pa, pinagkatiwalaan ko siya . Mahal na mahal ko siya dahil sila nalang ang meron ako pero bakit? I felt betrayed.
“A–ate, bakit?” Tila bulong nalang ang naging tanong ko sa kaniya. Umiiyak siya habang umiiling sa akin para bang nanghingi ng tawad dahil sa ginawa niya.
“A–ate, pinagkatiwalaan kita. I–ikaw ang unang pinagkatiwalaan ko. B–bakit mo nagawa sa’kin to?” Hindi namalayan na umiiyak na pala ako. Tinanggal ng isang armadong lalaki ang takip ng kaniyang bibig.
“Cholatte, sorry. I’m so sorry, h–hindi sinasadya ni a–ate.” Lalapit na sana siya sa akin ngunit umatras ako.
“Bakit?” Sigaw ko habang umaatras. “Pinagkatiwalaan kita. Bakit mo sinabi? Dahil akala mo hindi ko kayang buhayin ang anak ko? D–dahil ba wala akong trabaho? Kaya kung buhayin ang anak ko, Ate. Kayang kaya ko, magsisikap ako para maging maganda lang ang buhay niya, naging mali man ang desisyon ko no'ng una pero hindi ko pinagsisihan na ‘to.” Sigaw mo habang humihikbi. “Sa lahat ng tao, ate, hindi ko akalaing ikaw ang mananakit sa’kin ng ganito.”
“N–no, t–that’s not the reason why I told him. Please baby, listen to ate. He will—”
“Shut up!” Pinutol ni Dominique ang sasabihin ni Ate calla. “Bring her back to their apartment.”
“Dominique, stop! I need ate’s explanation. She betrayed me!” Iyak ko. Tinakpan muli nila ang bibig ni Ate Calla bago at tinulak palabas.
“So…..now, you’re going to lie again?” Malamig nitong tanong. Tingnan ko siya ng masama, at pinatay siya sa isip ko.
“A–ang amo nga ng mukha mo ngunit napakasama naman ng ugali mo. Sana hindi mag mana sa anak KO ang masamang budhi mo”
YOU ARE READING
one night mistake
Misteri / ThrillerAng Isang pag kakamli na na punta sa katutuhanan