One Night Mistake
Chapter 3:
“Gaga, sino sa mga hot and yummy papsi sa bar?” Tanong ni Ara at lumaki ang mata habang nagsasalita.
Hindi pa alam ni Ara na buntis ako dahil nilihim ko ‘yon sa kaniya. Ang alam lang niya ay huminto ako ng pag-aaral dahil hindi na kaya ng sarili kong pag-aralin ang sarili, kaya pumunta siya dito dahil naghahanap na naman daw si Bianca ng barista at ako ang pumasok sa isip niya para naman daw makabalik na ako sa pag-aaral.
Pagpunta nita dito ay laking gulat niya ng madatnan akong umbok ang tiyan. Kaya wala akong nagawa kundi e kuwento sa kaniya ang nangyari, at itong si gaga mukhang natutuwa pa dahil sa nangyari sa akin.
“Sino mga do’n? Name drop!” Tili niya sabay hampas sa akin. Mabuti na lang at wala dito si Ate Calla at Brigitte dahil malalagot tong si Ara dahil ang ingay.
“Aray ha! H–hindi ko siya kilala. Pero narinig ko na tinawag siyang Dominique ng kaibigan ata niya ‘yon.” Sabi ko at nagkibit-balikat. “Hoy!” Hinampas ko ang kamay niya dahil naka-nganga na siya habang nakatingin sa’kin.
“Si Dominique? The hottest and mysterious man among the three?” Bulaslas niya habang hindi makapaniwalang tumitig sa akin.
“Kilala mo siya?” Sa pagkakaon ngayon ay ako na ang nagulat.
“Sinong hindi makakilala sa kaniya, aber. Nag mo-model kaya siya noon at suki namin ‘yon. Alam mo ba may rumors about sa kaniya na isa daw siyang mafia, kaya labis ang takot namin sa kaniya, kita mo kung paano siya makipag socialize sa iba? Walang ka emosyon-emosyon ang mukha. Mysterious man among the three.” Huminga siya ng malalim at lumaki bigla ang mata na para bang may pumasok sa isip niya.“Pero totoo nga siya ang ama ng dinadala mo? Hoy, Cholatte, assuming kamasyado, te. Si Dominique Martinez makipag sex sa isang katulad mo? Diyos ko.”
“Hoy. Minamaliit mo ba kakayahan ko? Umalis ka na nga dito, putak ka ng putak eh. Ingay-ingay mo.” Napasimangot siya sa sinabi ko pero kalaunan ay may ngiting naglalaro sa kaniyang labi.
“Malaki ba? Masarap? Tangina, suwerte mo bakla. Ilang inch—”
“Ang baboy mo. Umalis ka na nga dito.”
“Aysuss, kunwari feeling innocent. Pero nasarapan pala sa paglabas masok—”
Tinampal ko ang bibig niya kaya siya natahimik. “Tumahimik ka nga. Lumaklak ka nga ng holy water do’n, kahit ano-ano na ang pumasok sa isip mo.”
Weeks passed and I went to see Dr. Alexis again. She ran test two weeks ago to check if my baby had a genetic or chromosomal problem, kaya sabi niya kailangan kong bumalik ngayon para sa magiging resulta ng test ni baby.
“Magandang umaga, Doc.” May ngiti ako sa aking labi habang papasok sa clinic niya. She smiled at me but it didn’t reach to her eyes.
“Ms. Walker.” From her clipboard, she looked at me with sadness eyes.
“P–po?” Kinakabahan kong sagot. That reaction from her brought my heart to an unbearable place. Pakiramdam ko nawalan ng kulay ang akig katawan.
“Y–your child is positive for Down Syndrome.”
“Po?” Naguguluhang kong tanong. “Teka muna, Doc—”
“We can run more test—”
“Doc, Teka lang po.” Huminga ako ng malalim kahit gusto ng mag bagsakan ang mga luha ko. “Healthy po ang anak ko no’ng mga nakaraang check up natin. Ano pong sinasabi niyo?” Wala akong Syndrome, normal akong tao. Walang sinabi ang mga madreng kumupkop sa akin na may Syndrome ang nanay ko!
“Relax, Mommy. We can run more test to clarify—”
“Hindi po. Mali ang lumabas na resulta sa test na. Mali ‘yan. Wala kaming ganiyang sakit. Pasensiya na po.” Tumalikod ako sa kaniya at mabilis na umalis sa kaniyang clinic.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang tinatahak palabas ang munting clinic ni Dr. Alexis. Kung noong huling check-up ko ay umiiyak ako dahil sa saya, ngayon umiiyak ako dahil hindi ko kayang ma-isip nga baka nga ay may Down Syndrome ang anak ko. Kung walang Syndrome ang mga magulang ko ay baka sa mga kalahi nila kaya may ganito ang anak ko?
Nag-aabang ako ng taxi sa labas ng Hospital ngunit may isang puting van ang huminto sa harapan ko at lumabas dito ang tatlong lalaking puro-nakaitim at may takip sa mukha. Walang pag-alinlangan nilang hinawakan ang kamay ko at sapilitang pinapasok sa sasakyan.
Wala akong lakas para manlaban sa kanila dahil naka ramdam ako ng pagod at sakit dahil sa aking natuklasan ngayon. Unti-unti akong nawalan ng malay at namalayan ko na lang na may isang lalaking sumalo sa akin bago pa ako bumagsak sa lupa.
YOU ARE READING
one night mistake
Mystery / ThrillerAng Isang pag kakamli na na punta sa katutuhanan