Hi guys! Pilit tong update na toh hah? Kasi pinapalabas ang Passion of Christ. Eh ayaw ko pong mapanood yun. Natatakot kasi ako sa mangyayari eh. Kaya pasensya na kung panget ang kalalabasan. Sadyang ayaw ko lang talagang mapanood yun. Kahit may aral kang matututunan. Sorry talaga. Naawa rin kasi ako eh. Very soft hearted ako. Mababaw ang luha ko. VERY SORRY!
So.. Read na po. Again, sorry kung panget ang kinalabasan.
= = = = = = = = = =
~Kathryn's POV~
*yaaaaaaaaawwwwwnnnnnn* Good morning!!!! Woo.. Yes!! Friday ngayon! Walang pasok bukas. Malayo ako kay Daniel. =D Naisipan ko kasing kailangan ko ng lumayo sa kanya. Baka mas lumalim ang feelings ko para sa kanya.
"KATHRYN CHANDRI------" May narinig akong pumasok sa kwarto ko. Napatingin ako sa pinto. Si Zharm na naman? Bakit parang palagi silang nandito? "Woah!! GUYS!! GOOD NEWS! NAGISING SI KATH NG SARILI!!" Sigaw ni Zharm. Anong pinagsasasabi nito? May narinig akong nagpalakpakan sa baba. Ganun kalakas boses ni Zharm para may magpalakpakan?
"Teka lang. Bakit parang palagi kayong nandito tuwing umaga? At tsaka di ko na nakikita si dad. Si kuya naman palaging maagang umaalis. Anong meron?" Tanong ko.
"Ohh! Di ko pa pala nasasabi sayo. Sinabi sakin ng yaya mo kahapon. Ang daddy mo, nasa ibang bansa. Business trip daw. Ang kuya naman kaya maagang umaalis kasi pumupunta siya sa bahay ni Chenin. Sabay silang pupunta sa school. May something siguro. Hehe. Kaya kami nandito palagi. Bakit ayaw mo?" Paliwanag ni Zharm. Tss. Kainis si daddy oh. Di man lang nagpaalam sakin. -_-
"Di naman. Nagtataka lang. Sige, sige. Ligo na ako." Sabi ko. Lumabas na siya.
Bumangon na ako tsaka dumeretcho sa banyo. Ligo ligo din. =))
Pagtapos kong maligo, nagbihis na ako. Kailangan yan. =D
Tapos ko ng gawin ang dapat gawin tapos bumaba na ako para mag-almusal.
Nagsimula na akong kumain.
"Woi! Ano na naman bang trip niyo sa pagkain? Grabe naman yan!" Sabi ko kila Julia at Ella. Pano si Julia yung hotdog niya, sinasawsaw niya sa kape. Anong lasa nun? Si Ella, yung sunny side up egg niya nilalagyan ng asukal. Diba dapat asin? Si Zharm ayun.. Hawak hawak yung iPad ko. Alam ko nasa kwarto ko yun eh.
"Hoy! Ang sarap kaya! Try mo! Wag mong ganyanin pagkain namin! Kakaibang food trip toh!" Sabi ni Ella. Taray. -_- Manahimik na nga lang ako. Tss.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Heartthrob [KathNiel]
Teen FictionPlease support this story katulad ng pagsuporta niyo sa iba kong stories! Please don't leave bad comments. Kung ayaw niyo itong story ko, wag niyo ng ituloy ang pagbabasa. VOTE and COMMENT! <33