Chapter 13

18 3 0
                                    

"Ahm.. Kyle, kung tawagan mo kaya si James?"

Ano yan ako lang ang aligaga dito? Bakit di kaya siya naman yung gumawa ng paraan para makontak namin yumg dalawa!

Saka..

Si James kasi ang pinasundo ko kay bruha hehe.. Eh malay ko bang may lihim na pagnanasa pala tong' si James kay bruha! XD

"He's not answering my call.. Bakit ba kasi sila magkasama ni James."

Nakoo. anong sasabihin ko?? Lagot. Alangan naman idahilan ko na tinatamad akong sumundo >_

Nag iisip ako ng idadahilan sa masungit na lalaking katabi ko ng biglang may nagpark na sasakyan sa tapat ng bahay. Nag unahan kaming lumabas ni Kyle.

"Are you Okay?"

Bakas ang pag aalala sa tono ng pagtatanong ni Kyle kay bruha.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Merryce. Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko sa eksenang nasa harapan ko ngayon.. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko kay James. Blangko ang mukha niya, pero parang may iba e..

Pareho lang kaya kami ng nararamdaman ngayon

"Sorry kung nag-alala kayo."

Hindi ko na napansin na nakalapit na pala sila sa akin. Nag space out pa ako kaya niyakap ko na lang si bruha..  Nakatitig si James sa aming dalawa pero ganun pa din . ang hirap basahin ng emosyon at reaksyon niya.

James Andrew's POV

Nandito na pala ang lahat pagkatapos ng sweet scene ni Annoying dwarf at ng pinsan kong hilaw.

Niyaya na kami ni Elle sa loob ng bahay nila, diretso sa living room. Nakita ko don yung isang kagroup namin. I think her name is stephany? Or tiffany? Ah! Basta. Nahagip ng mata ko si Annoying dwarf at Kyle..magkatabi sa sofa.

Great.

Wala na ba silang balak maghiwalay?!

"Okay! Guys, pwede na ba tayon magsimula?" Hindi ko na namalayan ma nakabalik na pala si Elle dito sa livimg Room.

"No, we can't start yet."

I said while checking the tone of my guitar.

"Why??" Elle asked again.

"Duh. Kasi we dont have a song pa!."
Tiffany said.

"Ayy! Oo nga pala. Uhm.. Bruha! Help naman, tayo na lang yung pumili ng song.

Elle said, giving her small notebook to annoying dwarf. Kinuha din naman ni Merryce yun.

"James, okay lang ba na kami ang pumili na song na kakantahin natin?"

May pag-aalagan pang tanong ni Elle. I just nodded

napatingin ulit ako kay Merryce. Oh, that annoying dwarf, bakit palagi siyang nakangiti kapag si Kyle ang kasama niya? Bakit hindi ko man lang siya napangiti kanina? Kahit konti lang..

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon