Chapter 7

23 4 0
                                    

Chapter 7 : Annoying Drunkard

Elle's POV

Nandito ako sa labas ng gate namin, pabalik-balik lang ako dito sa harapan ng bahay namin. Ano ba kasing meron?! Bakit biglaan ang pagtawag ni Kyle parang uneasy pa siya. Tapos si Merryce daw??? Ano bang nangyari kay bruha?

"Ate, stop it! Nahihilo na ako sayo." Reklamo ng pinsan ko. Hindi kasi ako makaisa dito sa labas eh, hehe, pero di pa rin ako tumitigil sa kakapabalik-balik.

"Ate, kapag hindi ka pa tumigil iiwan na kita dito mag-isa." My cousin said. Lagot naiirita na ito. Pero tuloy pa din ako hindi ko kasi talaga kayang kumalma eh. T_T

"Tss! Bahala ka dyan ate nahihilo na ako sayo!" sabi ni Yuan at akmang aalis na siya kaya hinawakan ko ang braso niya.

"Eto na nga, hindi na ako magpapabalik-balik, please! Wag ka na munang umalis samahan mo na muna ako dito. Kung gusto mo dito na lang ako sa isang tabi hindi na ako gagalaw." T_T I plead.

"Fine." He said halatang napilitan lang, hahah buti na langmedaling pakiusapan ito.

Ilang saglit pa dumating na din si Kyle. Teka bakit may isa pang kotse? Agad na bumaba si Kyle sa kotse niya.

"Kyle, si Bruha?" tanong ko agad.

"Wait, I'll pick her up. Nasa kotse siya ni James." Tapos pumunta na kaagad siya sa white na kotse na nasa likod ng kotse niya, obviously yun ang kotse ni James.

James Andrew's POV

Kyle knocked on my window car and I hurriedly open the door in the passenger seat. Aalisin ko na sana ang seat belt ni annoying dwarf kaya lang bago ko pa nagawa yun Kyle did it and carry her.

Naiwan naman akong nakatulala. Bakit ako naiinis? Bakit parang gusto ko siyang agawin sa pinsan ko? Ako dapat ang nandon. Ako dapat ang may hawak sa kanya. Tss! Here I am again talking to myself like crazy. Why am I thinking of her?

"James! Let's go inside." I get back to myself when someone called me. Sumunod na lang ako sa kanila.

Elle's POV

"Dito mo na lang siya pahigain sa kama ko, Kyle. Mahihirapan lang kasi ako sa pagbabantay sa lasenggerang bruha na ito kung sa kabilang kwarto ko pa siya patutulugin."

Nang mailapag na ni Kyle si Bruha sa kama ko, umuwi na rin kaagad ang magpinsan. Masyado na rin nga namang malalim ang gabi.

Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa patakbo akong pumanhik sa kwarto ko.

(Yawn) >0<

Antok na ako. Nahiga na din ako pero sa sofa lang sinakop niya na kasi ang buong kama. Hindi pa ako nakakapikit ng biglang...

Sumuka si Bruha. Kaya pinalitan ko siya ng damit. Tapos naulit na naman kaya pinalitan ko ulit siya. Grabe medaling araw na.

Sione Merryce's POV

Nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya kinapa ko yung kumot ko at hinigit para itakip sa mukha ko.

Antok na antok pa ako.

Matutulog na sana ulit ako ng may marinig akong naghawi ng kurtina dahilan para tumama sa mukha ko ang sikat ng araw.

"Ang init!" agad kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at tiningnan ang istorbong humawi ng kurtina.

"Elle?? Anong ginagawa mo ditto?" tanong ko sa boses na halatang inaantok pa.

"Wow ha! Masama na bang pumunta sa sarili kong kwarto?" sarcastic na sagot ng Bruha.

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon