Chapter 6

28 3 0
                                    

Please read my second story, entitled Love in the amidst of battle.  Lalabsyou! :*  Kamsa! Thankyou! Salamat. 

 

Chapter 6

Broken Angel

 

“Magkakilala na kayo?” Papa and witch said in chorus.

 “Magkaklase kami sa isang subject.” Walang gana kong sagot kay Papa.

 “Ma! Ano ba kasing ginagawa natin dito?” tanong ni Madison halatang naiirita na rin. T-teka—Mama raw? MAMA niya si witch?!

 “Pa! anong ibig sabihin nito?!” di nako nakatiis,sumabat na rin ako.

 “Anak pwede ba? Kumalma lang muna kayo!” Papa said his voice is full of authority.

 “kumalma?! You’re asking me na kumalma ko Papa?! Tinawag niyang MAMA tong’ babaeng to!” (sabay turo ko kay witch)

“Merryce! Stop pointing your d*mn finger to your tita!”  saway sakin ni Papa. Pero di ko pinansin ang pagsaway sakin ni Papa.

“I got it. Gusto niyong maging magkapatid kami ni Madison, right?” I said almost shouting.

Hinilot ni Papa yung sintido niya. Habang si witch nakaupo lang. hindi parin siya nagtangkang sumabat.

“Ma, eto ba yun? Eto ba yung dahilan kung bakit mo ko pinagsuot ng formal ,kasi may pag-uusapan tayong formal ?”  sarcastic na sagot ni Madison.

  “Well ngayon pa lang sinasabi ko na sayo to Ma, itigil mo na to’ kasi hinding hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!.” Sigaw ni Madison ,at saka nag-walk out. Tumayo na rin ako sa inupuan ko at sa pagkakataong ito naramdaman ko na nag-iinit ang mga mata ko, paalis na ko ng pigilan ako ni Papa.

 Hawak niya ang kaliwa kong braso.

 “Anak..”-Papa.

 “Ganito na ba kayo ka-selfish Pa? nung una ibinahay mo yang bruhang babaeng ‘yan at hinayaan niyong lumayas si Mama!----- 

“watch your mouth  Sione Merryce!” pero sa pangalawang pagkakataon hindi ko ulit pinansin ang pagsaway ni Papa.

Sa halip ipinag-patuloy ko ang pagsasalita ko ,pero this time tuluyan ng pumatak ang mainit na likidong nanggagaling sa mga mata ko, hindi ko alam pero basta-basta na lang itong pumatak.

 “Pa, ano ba talaga ang gusto mong’ mangyari? Kahit sobrang sakit para samin ni Mama , hinayaan naming tumira yang babaeng yan dito! Hindi niyo ba naisip kung ga’no kasakit yun para sakin? Para kay Mama! …

Tapos ngayon gusto niyo na rin patirahin dito ang anak niya?? Tapos ano? Bukas makalawa dito na rin ba titira lahat ng kamag-anak ng babaeng yan?! Huh, what a loathsome gold digger social climber witch!—.”

  (Pak!!)

“papaano mo nasasabi ang mga bagay na yan Sione Merryce? Hindi mo alam kung gaano ako nahirapan sa sitwasyon natin ngayon! Ayokong masaktan ka! Pinilit kong maki-paghiwalay sa Mama mo sa paraang hindi ka masasaktan..” –Papa.

  “Sa paraang hindi ako masasaktan, Papa kahit ano pang paraan ang gawin mo masasaktan at masasaktan parin ako… (sniff*)

hindi mo alam kung gano ka-perpekto ang tingin ko sa pamilya natin Papa… at lahat ng yun sinira mo  parang hindi ka man lang nanghinayang, dahil ang totoo wala ka naman ng pakielam sa sakit na mararamdaman namin ni Mama… sarili mo lang ang iniisip mo! Napaka-selfish mo Papa!!.”

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon