Chapter 28

18 2 0
                                        

Kasunduan

Simula ng araw na yun (Madison's birthday) masyado ng naging masalimuot ang buhay ko.

Ughh! Damn him!

Ano bang nagawa ko sa kanya para bwisitin niya ako araw-araw!?

Bzzt.. Bzzt.. Bzzt

Siguradong si bwisit na naman to. Padabog kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang message.

From: Bwisit!!

10am tomorrow. I'll pick you up.

Hanggang ngayon talaga hindi parin ako makapaniwala na sa isang iglap lang nagbago ang buhay ko. Mabuti sana kung dahil sa pagkapanalo sa lotto ang dahilan ng pagbabago ng buhay ko.. But' unfortunately, hindi..!

Nagkaroon kasi kami ng kasunduan. Well, hindi ko alam kung kasunduan nga bang matatawag yun, kasi hindi naman niya hiningi yung opinyon ko.

Nagdesisyon siya mag-isa!

Yung kasunduan eh kelangan daw naming mag-date for 8 days! Every week end.

Ang kapalit?

Hinding-hindi niya na daw ako guguluhin --FOREVER--

Kaya naman napapayag na din ako. Kahit ano talaga gagawin ko ,tantanan niya lang ako.



***

"Bruhaaa!! Mall tayo.!"

Elle said. Magakatawagan kami ngayon. ano ba yan! ang aga-aga eh. Si bruha talaga.

"Hoy! Bruha, i know nakahiha ka pa dyan! Bangon na.. Mall na tayo!!"

Ang kulit. Antok na antok pa kooo!!

"Bruha! Alas dyes naaa!!"

Patuloy lang sa pagtalak sa kabilang linya si Bruha--
Wait , ano daw??

"A-anong oras na??"

"Wow! Sa wakas sumagot ka rin bruha! Alas dyes na po! Tara na mag-mall."

Pagkasabi nun ni bruha bigla naman akong napabalikwas.

"Sorry bruha next time na lang. Bye! Labyuuu!!"

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon