at sa tuwing sasapit ang hatinggabi, ang aking puso at isipan ay napupuno na ng pighati. mga katanungan sa aking isipan ay tila ba nag-uunahan, sila ay nag-uunahan at umaasa na mahahanap ang kasagutan, kasagutan sa piling ng karimlan?
sa napakaraming tao sa mundo, paano ko nga ba nahanap ang isang katulad mo? ang ngiti mong kay tamis, mga mata mong kay ganda, ang iyong tawang mala musika sa isang hardin na napupuno ng alaala, alaala nating dalawa.
at sa hardin na napupuno ng iyong halakhak na nagdudulot sa akin ng ginhawa, paano ka marahang lumisan at kumawala? paano ka bumitaw sa aking pagkakahawak sa iyong malambot na mga kamay, paano, paano ka nawalay?
pakinggan, sana ay iyong pakinggan ang liriko at nota mula sa mga kanta na aking ginawa, maari mo rin namang basahin ang mga tula at istorya na aking inilathala, ang mga ito ay ikaw ang paksa, tayong dalawa ang naging paksa.
ngunit, hindi mo kailangan pilitin, pilitin na alalahanin ang ating kuwento, maari mong subukan ngunit maari mo rin namang sukuan ang mga ito. sapagkat, maging ako? napapagod na ako, gusto na kitang bitawan at marahan na rin sanang lilisan.
mahiwaga, ako ay magpapatuloy na sa aking sariling agos ng buhay, nawa ay huwag mong kaliligtaan na ang mga katha na aking nailathala ay patungkol sa iyo at sa ating kuwento. mula sa karimlan na ito, nahanap ko na ang liwanag at kasagutan sa mga katanungan sa aking isipan.
paglaya at muling pagsisumula. magsisimula na ako ng bagong kabanata, kabanata ko, na ang aking pangalan ang titulo.
sapagkat masaya na ako, masaya ako na hanggang dito na lamang tayo.
YOU ARE READING
WHEN LIFE GETS BLUE
PoetryThose random urges to write down everything to keep yourself busy and clean:)