Alaala ng PanahonSa bintana ng aking silid ako ay nakadungaw
Ang dilim at ang liwanag ay sadyang nakasisilaw Salamisim ng ating kahapon ang siyang hinihiyaw
Ang huling natirang alaala ay ang ating munting pagsayawIkaw ay nawalay sa akin dulot ng unang himagsikan
Bakit inagaw nila ang natatangi mong kariktan
Ikaw ay dalisay, naniniwala sa katotohanan
Sa iyong pagkawala nilimot na rin ba ang ating ugnayan?Hintayin kita sa mga daraang siglo, iyan ang pangako
Sabihin sa akin na ikaw ay narito, naghihintay ako
Pakiusap, huwag mo akong takutin nang ganito
Nais na kitang mahagkan at madama ang mga palad moSa iyong paglisan, nawalay na rin ang ligaya ng buhay
Ano pa ang patutunguhan, ikaw ang nag-iisang gabay
Pag-ibig at Buhay tila sa bisig mo ay magkaugnay
Nananangis na naman aking mga mata nang walang kasing husayHindi ako makausad sa alaala ng ating panahon
Taglay pa rin ang mga panaghoy, hindi ako makaahon
Nais ko lamang marinig ang iyong mga tugon
Tayo ba ay nasa iisang pagkakataon, o ikaw ay tuluyan nang nawala sa akin sa ikalawang pagkakataon?
YOU ARE READING
WHEN LIFE GETS BLUE
PoetryThose random urges to write down everything to keep yourself busy and clean:)