03.

30 4 0
                                    

unang araw sa swkwela, iyan ang una nating pagkikita. napakatamis na halakhak sa labas, sa iyo pala nagmula, narinig ko ang boses mo habang ikaw ay labis na maligaya samantalang ako ay nakaramdam ng kaba sa iyong presensya.

ako ay napalingon noong naupo ka sa aking tabi, ikaw pala ay aking kaklase? "napakagandang binibini" iyan na lamang ang naibulong ko sa aking sarili. aking pagod ay napapawi gamit ang iyong matatamis na ngiti, mayroong kang kulay rosas na mga pisngi, at mapula ang iyong labi.

paghanga, iyan ang aking nadarama. mula sa malayo ay hinahangaan na nga kita, nais kitang masilayan at ang makasama ka ay tila nobela. nararamdaman mo na ba? ang pintig ng puso ko na sa iyo lamang talaga humanga nang husto at malaya.

napapansin mo kaya ang pagnakaw ko ng mga tingin, napapansin mo rin kaya ang pagiging aktibo ko sa klase upang atensyon mo sa akin ay mabaling? ngunit, mukhang hindi. sapagkat nakatingin ako sa iyo habang nakatingin ka naman sa kaibigan ko.

WHEN LIFE GETS BLUEWhere stories live. Discover now