narito na naman ang malalaking alon at ang napakalakas na hangin. tila ang mga ito ay rumaragasa at marahan na tumatama sa akin, sa atin. walang ibang hinihiling kung hindi ang ikaw ay makapiling, nawa ay huwag na huwag kang bibitaw sa akin.
malakas ang ragasa at hampas ng mga alon sa akin ngunit ito ay hindi magiging hadlang upang kamay mo ay patuloy na abutin, boses mo ang magiging gabay upang magpatuloy, patuloy na kakayanin. patuloy kitang aabutin, pasasayahin, at higit sa lahat, ikaw ay aking mamahalin.
kung para sa kanila madali ang ikaw ay ayawan at ang kamay mo ay bitawan, hindi ako nabibilang sa kanila, at handa ko itong patunayan. ikaw ay aking hahagkan sa tuwing ako ay iyong pinagtatabuyan, hahawakan ang mga kamay mo at hindi na bibitawan.
dayang, ikaw lamang. palagi at sa magpakailanman.
YOU ARE READING
WHEN LIFE GETS BLUE
PoetryThose random urges to write down everything to keep yourself busy and clean:)