noon, multo ang kinatatakutan ko sa tuwing sasapit ang hatinggabi
matulog na walang kumot sa aking tabi? hindi puwedeng mangyari
buksan lahat ng ilaw, hindi ko rin kakayanin kung ito ay patay sindingayon, mas nakakatakot naman pala ang multo ng aking kahapon
pakiaabot na ng aking kumot, napagod ako dulot ng maghapon
patayin na lamang ang mga ilaw, luha ko ay maaaring matuntonhindi na ako natatakot sa dilim sapagkat ito na ang naging tahanan
sa tuwing mabigat ang aking pakiramdam ito ang aking takbuhan
dito ay hindi batid ang aking hinagpis, lahat ay aking natatalikurannahihirapan matulog sa tuwing sasapit ang lagim ng isang gabi
sapagkat ito ay magiging hamon na naman para sa aking sarili
kunin niyo ako rito sa tabi, ilayo sa masamang mangyayari.
YOU ARE READING
WHEN LIFE GETS BLUE
PoetryThose random urges to write down everything to keep yourself busy and clean:)