sa bawat kaarawan na kaniyang pinagdaanan ay walang araw na siya ay hindi lumuha at nasaktan, kailan ka ba talaga tatahan? sa mundong napupuno ng kapighatian mahahanap mo kaya ang kasiyahan? o baka naman ikaw ay mananatili na lamang sa kalungkutan.
kailan kaya nila makikita na ang iyong mata ay napapagod na, kailan nga ba talaga mababatid ng madla na ikaw ay pasuko na. ngunit hindi naman nila obligasyon ang makita ka sapagkat hindi ka naman naiiba mula sa kanila, sino ka nga ba talaga para patahanin nila?
alam kong kahilingan mo ang mawala ka pero sana ay mahanap ang maraming dahilan upang magpatuloy at maging masaya hindi mo kailangan maging katulad nila, ikaw ay natatangi at totoong kakaiba. nawa ay mahanap mo ang saya, at ang pagtulo ng mga luha sa iyong mga mata ay tumigil na.
YOU ARE READING
WHEN LIFE GETS BLUE
PoetryThose random urges to write down everything to keep yourself busy and clean:)