HE FIRST LOVED US
Weeks and months passed by until we started to decide to have a meeting again.
Sa isang mamahaling pagkainan ang napagdesisyunan ng kliyenteng kumain.
Sobrang nakakapagod pa lang maging arkitekto, it was so tiring, draining at the same time.
"Astrid, alis na ako. Mag-ingat ka dito." paalam ko sa kapatid.
Nababahala na rin ako sa kondisyon ng kapatid, isang linggo na itong nasa kuwarto nalang, lumalabas lang kung kakain o 'di kaya ay nanonuod ng telebisyon.
Tinatanong ko siya kung ano ang problema ngunit hindi niya naman ako sinasagot. Ilang araw ko na rin siyang kinakausap ngunit ayaw niya talagang patinag.
Alam ko namang kailangan niya rin ng privacy as a person, ngunit nababahala na ako sapagkat matamlay siya sa nakaraang araw.
Habang nag-iisip patungo kung saan ang destinasyon ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako.
Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang mga kailangan kung kunin, may ipapakita akong mga kulay na puwedeng magustuhan ng mag-asawa.
Kinuha ko na rin ang tumbler ko at nababahala ako sa sobrang init ng panahon ngayon.
"Architect de Guzman." I heard a voice of a man.
Tinanaw ko si Matt sa likod ko, I was looking at him, asking what is it.
May kinuha siya sa backseat ng kotse niya... isang jacket?
Ibinigay niya ito saakin, "Do you have extra pads, there's blood in your skirt."
Namilog ang aking mga mata, I looked at him straight in his eyes.
"W-wala, I, Wala akong dala." umiling-iling ako at sinubukang itali ang jacket niya sa beywang ko.
"Pasok ka muna doon. Malapit lang naman ang convenience rito. Ako na bibili." he pointed at the restaurant where we will have meeting.
"S-salamat, Matt." I smiled at him nervously.
Nervous because I don't know how will he buy a sanitary pads in the convenience store. I know naman na maaasahan si Matt, but?
That's Mattieus Joshua.
Pagpasok ko ay nandoon na ang mag-asawang Alvaro, they were sitting with each other's side while looking at a iPad.
Inayos ko ang pagtali sa jacket ni Matt sa aking beywang.
"Good morning po, sir, ma'am. Sorry po at natagalan. May binili pa po si Engineer, kaya mas lalong matatagalan siya." pagpapaalam ko kay Mattieus.
"We understand. He texted." ang saad ng lalaking Alvaro.
I was so uncomfortable with Matt's Jacket on my hips.
Hindi na ako umupo at nag-paalam na magbabanyo lang.
After minutes of being in the restroom, may kumatok, natatarabta pa ako, buti nalang at narinig ko ang boses ni Mattieus sa labas.
"Laiy?" it sends goosebumps hearing him calling my name.
"Wait." I stopped doing what I'm doing and opened the door.
"Thankyou, Matt." I smiled at him, he returned a sweet smile also and a "welcome."
Sobrang laki ng Jacket ni Matthieus saakin kaya't naisipan kung suotin nalang ito, sa sobrang laki ay umabot ito hanggang sa legs ko kaya naman ay hindi nakita kung saan ang dugo sa skirt ko.
YOU ARE READING
Ending With Beautiful Memories
RomanceWhere in, Laiy Aiyah met Mattieus Joshua way back senior year. Mattieus Joshua who's a son of God, and a faithful servant of God, met the broken pieces Laiy Aiyah. Will their love blooms throughout all the circumstances? A Engineer - Architect lov...