Chapter 12

29 1 0
                                    

Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors

Please do not take it seriously
--
"A memories to remember" (chapter 12)
--
"Skye, matt, Wag kayong mag pasaway kay daddy ha? Be good" sambit ko habang inaayos yung mga gamit nila dahil bukas na sila aalis

"Bakit kasi ikaw hindi sasama, Mama" sambit ni skye, napatawa nalang ako

"Eh kasi hindi pwede anak eh, Hayaan nyo, babawi si mama sa susunod, okay?" Pareho ko silang niyakap, gusto talaga nilang kasama ako pero hindi talaga pwede eh, kahit gusto ko, i don't wanna risk it.

"Kasi, Gusto ko nandon ka ehhh" sambit ni matt

"Don't worry, nandon naman si dada ehh? Tsaka si tita tanya" pangpalubag loob ko sa kanila, Isa pa, pakiramdam mao-out of place lang din ako dun

"Ihahatid mo kami bukas kanila wowa?" Tanong ni skye at binigay sakin yung bear nya, nilagay ko naman yun sa maleta dahil kung hahawakan nya lang yun habang bumabyahe baka mawala nya, hindi pa naman nya kayang matulog ng hindi kayakap yun.

"Hindi na, sila wowa na yung pupunta dito, maaga kayo eh baka walang masakyan papunta dun"

"Bakit kasama si mama bear? Bakit yung akin hindi?" Tanong ni matt, agad nya namang inabot sakin si matthew bear tsaka si skye bear, tumawa naman ako "isama nalang natin yan ate, please please"

"Wala ng malagyan! Share nalang tayo kay mama bear" sabay kuha nya sakin nung dalawang bear, Meron silang apat na bear na binigay ng dada nila noon, Si Dada bear si mama bear, Si skye bear, tsaka si matt bear, Si mama bear lang usually katabi nilang matulog.

"Akin na, gagawan ko ng paraan" inalis ko yung ibang mga damit ni skye at siniksik dun sa mga damit ni matt, Tsaka naipasok ko naman yung dalawang bear. Dalawang maliliit na maleta lang yung pinadala ko sa kanila isang linggo lang din naman sila dun

"Thank you, Mama" sambit ni matthew sabay yakap sakin

"You're welcome, sweetheart" pagkatapos naming mag ayos ng gamit nila, agad ko naman silang pinatulog na, Maaga sila bukas at kailangan nilang matulog ng maaga.
--
"Mama! Nanjan na sila! Nanjan na sila!" Sigaw ni skye ng nakita nyang may tumigil na van sa labas ng bahay namin, tumawa lang ako at tinuloy na suotan ng jacket at sapatos si matt

"Sandali! Hindi pa tapos si matt, tsaka yang buhok mo hindi pa natatapos anak" pinasuot ko kay matt yung rubber shoes nya at pinagbuksan ng pinto sila ate tanya

"Oh hindi pa tapos yang mga yan?" Salubong ni ate tanya sa kanila

"Hindi pa po, aayusin pa po ni mama ang buhok ko ehh" sambit ni skye, kinuha ko yung mga hair ties nya at sininulan ng ayusin yung buhok nya, Ilang minuto pa ay natapos ko rin yun, pig tails lang naman usually yung hairstyle nitong anak ko, hindi talaga aalis si skye ng bahay ng hindi ko naayos yang buhok nya

"Hindi pa tapos si skye?" Tanong ng tatay nya, hinila ni skye yung maleta nila at inabot sa kanya

"Take that dada" napatawa si ogie at hinalikan si skye sa pisnge

"Oh? Oo nga I'll take that pala, Sge na kiss na kay mama" isa isa ko silang hinalikan at niyakap

"Ikaw na bahala sa kanila ogs ha? I trust you, please iuwi mo ng buong buo"

"Walang problema, mga anak ko to, kailangan kong gawin yung nararapat kong gawin"

"Thank you" ngumiti ako sa dalawang bata at kumaway, niyakap nila akong dalawa at sumunod din sa dada nila palabas ng bahay, bago sila umalis nakita ko yung mga tao sa loob ng van, nandon sila lettie kasama si cyra, wala naman akong magawa dahil sya naman may ideya lahat ng to

"Babye, Mama!"

"Bye kids, makinig kay dada okay? Wag matigas ang ulo"

"Opo" ngumiti ako pinagmasdan lang silang umalis
--
"Himala te, nag pakape ka ata ngayon sakin kahit hindi ka naman nag kakape jan" sambit ni jea, Pumasok nalang ako ng day care dahil boring naman din sa bahay

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Gusto te, Sarap nga eh oh may pandesal pa, Wala nga lang palaman"

"Wag ng demanding jea, pasalamat ka nilibre kita" biro ko sa kanya, Hindi na namang bago yung manglibre ako.

"Te? Pwede sa sunod dun naman sa skye's? Kasi ang sarap nung kape dun eh" Tanong nito, demanding nga

"Wow ha? Nag request kapa sa lagay na yan ha"

"Sge na te!" Sabay pout nito sakin

"Oo na sge na, anong oras na?" Tanong ko, nag hihintay nalang din kami ng time para makalabas na

"Uwian na, bakit?"

"Ililibre kita sa skye's di ba?" Tanong ko sa kanya

"Ha!? Ngayon agad? Te naman, nag bibiro nga lang ako eh"

"Well ako hindi, tara na, Samahan mo ako dun" matagal tagal na rin ako hindi naka bisita dun gawa ng busy kong schedule.

"Sge na nga, Masarap din donut dun"
-
"So? Mag uusap ba tayo te, O tutunganga ka lang jan?" Hindi ko maiwasang tumingin sa bintana habang sya nag eenjoy jan sa donut nya

"Eh, Umuulan kasi ehh, ang ganda lang tingnan" pagdating na pagdating namin sa shop ay saka bumuhos ang malakas na ulan

"Oh tapos te? Asan maganda jan eh parang anytime anywhere kikidlatan ako ng langit, maganda?" Tumawa ako

"Oo nga! Parang ang peaceful nga, oa ka, wala namang kidlat ehh"

"So? Wala nga? Tutulala ka lang jan? Wala man lang " alam mo, je" "May problema ako je" "usap tayo je" Tutunganga ka lang pala te eh!"

"Oo sge na, Kasi, alam mo naman anong nangyayari sa buhay ko diba? Hindi ko na alam! Hindi ko na alam ang gagawin ko, i feel like he still likes his ex, wala naman akong laban man lang dun dahil hindi nya naman ako naalala, i just don't know what do? Je sabihin mo nga, Should i give up?"

"Syempre hindi! Mahal na mahal mo si kuya alam ko yun, Ipaglaban mo muna sya, Kapag hindi na talaga then maybe that's the time for you to give up, pero wag naman sana, May mga anak kayo oh, wag ka namang susuko ng ganon lang kabilis te, ipaglaban ang dapat ipaglaban"

"Susubukan ko naman eh, But if he's really into lettie, then I'll let him go, all i wanted was for him to be happy so go!"

"Wag ganon, nega ka eh, malay mo maumpog ulit ang ulo tas maalala kana, tapos yun they lived happily ever after"

"Pangit mo namang kausap" sabay inom ko nung hot choco na inorder ko, well that kinda helps me relax a little bit, kahit paano.
--
See yah at next!!

A memories to rememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon