C 05

9 0 0
                                    

Chapter Five: Forgive and Forget

SPELL ANNOYING W-I-L-L-I-A-M C-O-L-E, he had been annoying me mula pa kanina about sa pagpunta ko sa dean's office.

"Ano ba, Wil! I already answered you, right? He only called because someone accused me of bullying." sa pagkairita ko ay hinarap ko siya at sininghalan. Tumawa naman siya at itinaas ang dalawang kamay, tanda bilang pagsuko. Paano ba naman sobrang sama ng tingin ko sa kanya.

"Okay hindi na kita kukulitin. Pero—" dudugtongan niya pa sana ang sasabihin ng tiningnan ko na naman siya ng masama. "Hindi seryoso na ako."

"Siguraduhin mo lang na seryoso ang sasabihin mo. Kung hindi kukutosan na talaga kita." pagbanta ko sa kanya at ipinagpatuloy ang paglakad papuntang office. Vacant time namin kaya tatambay nalang kami don at magrerelax, pero paano ka magrerelax kung may madaldal at maingay kang katabi?

I know you're wondering why we have an office. It is because kami ang nagmomonitor ng mga performance and attendance ng mga students. I know, I know trabaho 'yan ng mga teachers, but not in our school ang trabaho lang nila ay ang magturo, maglesson planning at magcheck ng mga exams, assignments and quizzes. While we, the University Royalties, do half of their job. And let me tell and our job is so hard and stressful dahil kami rin minsan naghahandle sa mga pasaway na mga estudyante. Akala ng mga estudyante that we are just an ordinary students or role model. Gaya nga ng pangalan ng grupo namin akala nila we are the Royalties of this school, they don't have any idea that we handle the hardest job in this school.

"Kumusta na si Kuya Shun?" sandali akong napatigil sa tanong niya.

"He's okay, I guess." I answered. Naalala ko na naman ang cold stare na binabato niya sa akin kanina.

"Kinamusta niya ba ako? Tayo?" noon, nong kumpleto pa kami. Sina Kuya Shun, Wil at siya talaga ang pinaka close. But yeah, because of what happened he started to become cold toward us that led to ignoring us.

I shook my head.

Bumuntong hininga siya. "Kailan niya kaya tayo papansinin? Namimiss ko na si Kuya Shun, kung sana maibabalik pa natin ang panahong buo pa tayong lahat." napatigil kaming lahat sa paglalakad sa sinabi niyang 'yon. Mga ilang hakbang nalang ay malapit na kami sa pupuntahan namin.

Napayuko ako. "I'm sorry." I whispered, pero sapat na para marinig nila. Inangat ko ang tingin at nakita kong nakatitig silang lahat sa akin lalong lalo na si CJ na alam kong magagalit sa sasabihin ko. "I'm sorry, because of me nangyari 'to kung– kung hindi sana dahil sa akin—"

"Don't you dare finish that sentence, Cali! We all know that it's not your fault! But here you are saying sorry 'again' to the thing that you never did!" napapitlag ako sa sigaw niya lalo na ang mga kasama at ang mga estudyanteng naglalakad malapit lang sa amin.

Yumuko ako at napatahimik nalang, wala ako sa mood makipagsigawan sa kanya dahil center of attraction na kami ngayon. Nanubig ang mga mata ko at tuluyan na nga silang tumulo. Fuck! Here I am again.

"Ayan ka na naman, crying because of the same freaking man! Move on and grow up, Cali. Forget everything about him." pumintig ang tenga ko sa huling sabi niya.

I glared at him.

"How could you say that?! Forget him?! How can I forget the man that the cause of death is me?! How can I forget the man that I l–"

"STOP! Stop it, Cali. Huwag ka nang magsalita, 'wag na kayong mag-away maraming mata ang nakatingin." pag-awat ni Hailey at pumagitna sa aming dalawa. "Tama na, sa tingin niyo ba magiging masaya siya na nakikitang nag-aaway tayo? Kayo? Huh?!" sigaw niya.

The Talented Young LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon