GAYngster's Bodyguard 6

116 3 0
                                    

Si Dylan:

Halos naubos lahat ng sasakyan sa garahe.

Umalis kaming lahat papunta sa bahay ni boss sa Batangas habang inaayos ang bahay niya.

Ako st si Jack ang kasama niya sa sasakyan.

Hindi siya nagsasalita.

Hindi ko siya ginugulo.

Malamang ay pagod din siya sa mga nangyari.

Pagdating namin ay sinalubong agad kami ng mga tauhan niya doon.

May mga doktor din na sumalubong sa amin.

Buti nalang at walang kritikal ang lagay sa amin.

Mukha nanaman itong resort.

Sabi ni boss ay bahala na kaming mamili ng mga kwarto namin.

Walang exercises at magpahinga daw kaming lahat.

Pumasok na agad siya sa kwarto niya after non.

Naghanap na kami ng kwarto.

Magkakasama kaming apat nila Jack, Robert at Patrick.

Dalawang malalaking kama yung nasa room namin.

Katabi ko si Jack.

Pagod kaming lahat kaya nakatulog agad kami.

Late na akong nagising.

Wala na silang tatlo sa room.

Lumabas na rin ako.

Sinalubong ako ng isang staff pagkababa ko at pinapunta ako sa isang hall.

Andon silang lahat at kumakain.

Tinignan ko ang paligid.

Wala si boss.

Kumuha na muna ako ng pagkain at umupo.

Maya maya ay dumating na si boss.

Kumain din siya.

After non ay pumunta siya sa gitna.

"How is everyone?"

"All good boss!" Sigaw ng isang guard.

"As you experienced last night, so many people are after my head. I don't want to risk your lives so this is your chance to leave if you feel the need to. Magsabi lang kayo kina Alex."

Natahimik kaming lahat.

"Boss! Bakit mo kami pinoprotektahan eh dapat kami ang gumagawa non?" Sigaw ni Sandro

"Boss hindi ako aalis!"

"Ako din."

"Ako din."

Ang daming sumigaw.

Halos lahat kami ay ayaw umalis.

"Isa pa boss takot lang nila satin. Lalo na sayo. Turuan mo naman akong mag-alaga ng lion!"

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Jack.

Natawa din si boss.

"Sigurado kayo?"

"Oo naman!"

"Cheers to boss Lucian!" Sigaw ni Robert.

"Cheers!" Sigaw naming lahat.

Ngumiti si boss.

"Cheers! No one is gonna harm this family!"

"Yes boss!"

Nagpalakpakan kami.

Umalis na siya sa gitna at lumabas na ng hall.

Sumunod ako sa kanya.

GAYngster's Bodyguard (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon