Si Dylan:
Mabuti na lang talaga at naglong weekend kaya nakapagpahinga ako ng husto.
Malapit naman ang year end kaya busy nanaman kami para sa paghahanda sa year end sale at ang paglabas ng bagong line naman for the new year.
Pinagkakatiwalaan naman ako ni Lucian sa mga decisions ko pero mas gusto ko pading makuha ang opinion niya kaya pinasali namin siya sa meeting kahit online lang siya.
Buong araw nga ang meeting namin.
Napansin kong napapagod na ang itsura ni Lucian kaya naman nung hapon ay sinabihan ko siyang wag nang sumali.
Kailangan pang magpahinga ni Lucian.
Nasisiraan na talaga ako at pinasali ko siya!!
After ng meeting namin ay pinalabas na nila Keith yung ibang mga staff.
Pinigilan din ako ni Pauline na tumayo.
Sinara nila ang pinto pagkalabas ng ibang staff.
Pinapaalis nga din nila si Sandro pero hindi siya pumayag.
"Okay so Dylan ano ba talagang nangyari nung gabing yun?" Pauline
"Sino yung mga dumakip sayo?!!" Jobo
Huminga ako ng malalim.
Nag-usap na kami ni Lucian sa sasabihin kaya alam ko na ang mga isasagot ko.
Huminga ako ng malalim.
"Kalaban ni Lucian sa negosyo ang dumakip sa akin. Hindi ito ang unang beses na nangyari to. Napuruhan nila si Lucian kaya hindi pa siya bumabalik sa office."
"Ikaw Dylan? Kumusta ka? Anong ginawa nila sayo?" Gabby
"Aah well gastritis ang diagnosis sa akin nung nahospital ako. Wala naman silang ginawa sa akin. Ginamit lang nila ako para mapapunta doon si Lucian."
Huminga ng malalim si Keith.
"We will all be careful next time."
Tumango ako.
"Thank you."
Lumabas na kami ng meeting room at pumunta na ako sa office.
Madami pa akong kailangang gawin kaya late na akong nakauwi.
Sa sobrang busy ay hindi ko na namalayan ang mga araw.
Ang alam ko na lang ay ito na ang huling araw ng taon.
Holiday ngayon at tinatamad akong bumangon ng maaga.
Hinayaan naman ako ni Lucian na matulog pa.
Nagpacheck up siya kahapon at maayos naman ang resulta.
Mas nakakakilos na siya ngayon pero pinagbabawalan namin siyang kumilos ng husto.
Gusto na kasi niyang magwork out kahapon kaya napatawag si Bugzy sa akin at pinigilan ko siya.
Nagising ako nang gumalaw ang kama.
Umupo pala si Lucian.
"Goodmorning sleepy head."
"Aaah anong oras na?"
"It's 12 noon. Let's have lunch."
"Ang tagal ko pa lang natulog!"
"That's okay. Late ka na nakauwi eh."
Natawa siya bigla.
"Huh? Bakit?"
"Feeling ko I am your wife waiting for you to go home last night."
Natawa din ako.
"Sira!"
BINABASA MO ANG
GAYngster's Bodyguard (BL)
ActionDylan is a police officer who was tasked to go undercover as a bodyguard to gather evidence that the businessman Lucian is involved with the notorious gang LDG.