GAYngster's Bodyguard 9

79 3 0
                                    

Si Robert:

Mugto parin ang mga mata ni Dylan.

Ilang araw na din ang lumipas pero hindi parin siya pinapansin ni boss.

Kakabati lang nila!

Nag-aaway nanaman sila.

Ano kaya ang sinabi ni Calix kay boss!?!

Bwisit talaga yun!

Busy kaming lahat dahil malapit na ang anniversary ng L.A. corporation.

Inaabot ng 1 week ang celebration dahil sa dami ng business ni boss.

Isama mo pang birthday niya sa susunod na linggo.

Sunod-suno nanaman ang party kaya kailangan alerto kaming lahat.

Madami kasing papasok at lalabas sa bahay at opisina ni boss para ayusin ang lahat.

Hindi na kami magkanda-ugaga.

May delivery ng mga pagkain.

May delivery ng mga supplies.

Kailangan pang magvisit ni boss sa mga business niya.

Nahati hati tuloy ang duties namin.

Sila Bugzy, Knight at Alex na lang ang kasama ni boss sa mga lakad niya.

Laging tulala si Dylan kaya madalas nagkakamali siya sa dapat niyang gawin.

Tulad na lang ng paglagay ng mga supplies sa storage room.

Nadala niya yung mga yun sa dining hall.

Yung mga pinapadala din ni Aisha na pagkain sa kusina ay nadala niya sa dining hall.

Napagdesisyunan na lang naming lahat na i-station muna si Dylan sa may gate.

Tutulong muna siya sa mga patrol sa pagbabantay doon.

Nagkasalubong kami ni Patrick habang nagdadala ako ng supplies sa storage.

Inabutan niya ako ng pocari sweat.

Tinanong niya kasi ako kung ano ang paborito kong drink.

Ayan lagi niya akong binibigyan.

Hindi ko alam kung nililigawan ako nito oh ano eh!

Pero straight tong si Patrick.

Nawalan lang ata to ng tornilyo sa ulo.

Nung lunch naman ay eksaktong may pizza.

Kinuhaan niya ako at nilagay sa plato ko.

Basta inaasikaso niya ako ngayon!

Nung kinagabihan ay hindi ko na natiis.

Umupo ako sa kama at inantay siyang lumabas ng banyo.

Tumingin siya sa akin paglabas niya.

Nagpupunas siya ng buhok.

"Oh gising ka pa? Di ka ata busy sa cellphone mo ah."

"Mag-usap nga tayo Patrick. Umupo ka dyan."

Umupo siya sa kama niya at humarap sa akin.

Nagcross arms ako.

"Naiinlove ka na ba sakin?!?"

"Ha!?! Pinagsasabi mo?"

"Binibigyan mo ako ng drinks. Kinukuhaan mo ako ng food. Jowa ba kita!?"

Hinagis niya sa akin yung tuwalya.

"Naisip ko lang na wala tayong alam tungkol sa isa't isa kahit matagal na tayong magkatrabaho. Kung may malisya para sayo eh problema mo na yun!"

"Aba aba parang ako pa ang mali dito! Huy Patrick ikaw tong gumugulo sakin! Gulong gulo ako sa mga ginagawa mo!"

GAYngster's Bodyguard (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon