GAYngster's Bodyguard 28

62 2 0
                                    


Si Dylan:

Papunta kami ngayon sa bahay ng nanay ni Lucian.

Muntik siyang magsuot ng suit!

Pinigilan ko at sabi ko magcasual lang kami.

Buti naman at nakinig!

Sinamahan kami ni Alex.

Parang pamilyar ang lugar na ito.

Pumarada na si Alex at naglakad na kami ni Lucian.

Pamilyar talaga to.

Napatakbo si Lucian nang makita niyang may babaeng sinisipa sipa.

Teka.

Siya yung nanay nung nakaraang gabi!

Tumakbo na rin ako.

"Ikaw babae ka magbayad ka ng utang mo! Hindi dahil pinagbibigyan kita ay aabusuhin mo!"

"Pasensya na talaga yung perang dapa.."

"Ano nanamang rason mo?!? Kesyo ganito kesyo ganyan! Sawa na ako! Lumayas ka na dito! Hindi ka na rin matiis ng mga kasama mo hindi ka lang nila mapalayas! Sakit ka ng ulo ng mga tao dito!"

"Magkano ba ang utang niya?"

Singit ni boss.

Lumapit ako kay nanay at tinulungan siyang tumayo.

"Limang buwan na yang hindi nakakabayad! Sampung libo!"

Agad na kinuha ni Lucian ang wallet niya.

Inabutan niya ng 10,000 yung babae.

"Ayan. Sino ba to? Bago mong kalaguyo? Magaling kang pumili ha."

Magrereact sana si Lucian pero pinigilan ko siya.

"Kunin niyo na lahat ng gamit niyo." Sabi niya.

"Ah pero.."

"Tama yan kumerengkeng ka nang may silbi ka naman! Mukhang mayaman tong bago mo. Pogi pa."

"Anak niya ako."

Napatingin ako kay Lucian at kay nanay.

"Aba mayaman pala ang anak mo. Baka puede mong dagdagan to sa sakit ng ulo na binigay niyo?!!"

Kinuha ni Lucian lahat ng cash sa wallet niya at hinagis ito sa babae.

Pumasok na sa loob si nanay at paglabas niya ay may dala siyang isang paris ng damit at bilao.

Agad na kinuha ni Alex ang mga gamit ni nanay.

Inalalayan ko din siya papunta sa sasakyan.

Baka biglang bigwasan ni Lucian si ate kaya hinila ko na rin siya papunta sa sasakyan.

Akala ko sa likod uupo si Lucian pero sa harap siya umupo.

Ako na lang ang umupo sa likod kasama ni nanay.

"Aba mga iho nagkita muli tayo. Sabi ko na at pamilyar kayo."

"Oo nga po eh. Kumusta po ang kamay niyo?"

"Ayos naman. Kaibigan mo pala ang anak..si Lucian."

"Aah opo."

"Siya ba ang nagpadala sayo nung gabing iyon?"

"Aah hindi po. Nagkataon lang na napadaan kami doon."

Ngumiti si nanay.

"Salamat sayo iho. Puede niyo na akong ibaba dito. Makakahanap ako ng matitirahan ko."

GAYngster's Bodyguard (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon