Si Dylan:
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako pumunta sa bahay ni Andrew.
Nagdoorbell ako pero walang sagot.
Mukhang nasa trabaho siya.
Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto.
"Dylan!"
Lumabas sila tita at tito.
Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Tita, tito hello po."
"Sinabihan kami ni Andrew na dadating ka ngayon. Pasok ka."
"Aah salamat tita."
"Akin na yang bag mo iho."
"Okay lang tito. Magaan lang naman ito."
"Ito naman oo. Akin na at pumasok ka na sa loob. Nagluto ang tita mo ng sopas."
"Aaah sige po tito."
Binigay ko na ang bag ko at pumasok na ako sa loob.
Kumakin na sila pagpasok ko.
Binigyan ako ni tita ng plato at sinandukan ng sopas.
"Maagang umalis si Andrew. Pinatawag daw siya sa station. Hindi ka ba doon nagduduty?"
"Inassign kasi ako sa isang operation tita."
"Kaya naman pala."
"Sabi ni Andrew may sasabihin daw kayo sa amin mamaya eh. Ano ba yun?"
Sasabihin!?!?
"Nako hindi ko rin alam tito. Alam niyo naman yun pabigla bigla."
"Sabagay. May nobya ka na ba Dylan?"
"Aah wala tito."
"Si Andrew ba alam mo kung sino ang dinedate ngayon?"
"Nako hindi ko po alam tito."
"Ay ganon ba? Pero alam mo itong si Andrew inaantay ko na lang na umamin sa akin."
"Umamin po?"
"Oo. Alam ko naman na hindi nobya ang hinahanap niya."
"Ha? Paano niyo po nalaman tito?"
"Aba lalake ako kaya nabibighani ako sa magagandang babae."
Pinalo siya ni tita.
"Admiration lang honey. Ikaw naman."
"Oo na."
"Kapag nasa mall kami ay napapansin kong hindi interesado si Andrew sa magagandang babae pero kapag gwapo ay napapasunod ang mga mata niya."
"Kaya po pala. Okay lang po sa inyo?"
"May mga apo naman na ako sa kuya niyang si Andres. Mahirap nung una pero tinanggap ko na. Ayokong malayo ang loob sa akin ng mga anak ko."
"Maswerte po si Andrew tito."
"Talaga? Aba kung andito pa ang papa mo ay malamang ganon din siya sayo."
"Aahhh hehe siguro po."
"Ikaw ba Dylan ay naghahanap ng maganda o gwapo?"
Pinalo siya ni tita.
"Aahhhh hi...hindi ko po alam."
"Ikaw talaga honey wag mo nang usisain itong si Dylan!"
"Aba para ko nang anak ito eh. Gusto ko ding malaman."
Nginitian ko si tito.
"Aah sa ngayon po may natitipuan ako pero gwapo po eh."
Nagkatinginan sila ni tita.
BINABASA MO ANG
GAYngster's Bodyguard (BL)
AksiDylan is a police officer who was tasked to go undercover as a bodyguard to gather evidence that the businessman Lucian is involved with the notorious gang LDG.