Primitivo
"Kumain ka na Kuya Primo, nagluto ako ng almusal." Maligayang aya ko sa kaniya, kinusot pa niya ang mga mata niya para tignan kung totoo nga ba ang nakikita niya. Napangiti na lang ako ng tipid at napakamot sa batok nang mapansin kong parang nabigla siya sa sinabi ko't nakikita niya.I actually don't cook, but I know how. Lagi na lang kasi si Kuya ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit alam niya namang kaya ko rin namang tumulong. Lalo na no'ng pumapasok pa 'ko ay ramdam na ramdam ko ang hirap sa mukha niya kapag nagtatrabaho. Hindi man niya ipinapakita pero alam kong nahihirapan siya at ayaw niyang makita at malaman ko dahil ayaw niyang kinakaawaan. I am proud having him, I am proud that he's my brother. Na kahit wala na kaming mga magulang, siya ang nagtayo bilang isang Ina at ang Ama ko sa buhay.
I was too young when our parents died because of the airplane crash, an anchor reported that the cause of the incident is being not fully equipped. The plane is not yet that good to fly, but they forced it to earn more money. As far as I know, lot of people filed a case to sue the company and after that, the airline was banned.
Hindi kami kasali sa mga nag-file, wala kaming pera at kapangyarihan para makipagtalo. Kahit gustuhin man namin silang kasuhan, hindi namin magawa dahil sa wala kaming pera at hirap na hirap kami sa buhay.
"Tivo, mukhang masarap 'to ah?" Ngiting turan ni Kuya, lumapit siya sa akin at ginulo ang itim kong buhok na siyang ikinatawa ko na lang.
"Kumain ka na Kuya, tapos na ako at hinihintay ka na lang bumaba. At tiyaka, sabay na tayong pumasok sa trabaho." Sambit ko na siyang ikinangiti niya ng malapad.
It's just an egg and hotdog but still, he appreciated it just to make me feel good. I smiled, secretly.
Simula no'ng makatapos ako sa pag-aaral sa kolehiyo, laking tuwa ni Kuya dahil sa wala na kaming poproblemahin sa edukasiyon at naghihintay na lang ng panibagong board exam. I failed once, twice, but I'll make sure that I will do my best to passed the board exam next time and will make him the proudest.
Pero ngayon, tinutulungan ko siya sa trabaho at kung sinusuwerte nga naman ay natanggap din ako sa trabaho na pinapasukan niya. Hindi man gano'n kalakihan ang suweldo pero masasabi kong malaki na ang tulong no'n dahil sa natutustusan na namin ang pangangailangan namin sa buhay.
Kuya Primo sat down and immediately took the newly washed utensils. He happily ate the food that I cooked that made my heart feel so light. Kahit sa ganitong paraan man lang ay nakakaya ko siyang pasayahin, na kahit sa simpleng bagay na 'to ay mabawasan man lang ang bigat na hinaharap niya bilang nag-iisa kong pamilya.
"Sa lunes, aalis na tayo dito." Agad akong natigilan dahil sa sinabi ni Kuya kaya hindi ko mapigilang hindi maupo sa harapan niya. Kunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.
"Bakit, Kuya? Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko, nilunok niya muna ang kinakain niya bago niya ako hinarap. Huminga muna siya ng malalim bago ako kausapin.
"Hindi na maganda sa lugar na 'to, Tivo. Balitang-balita na, na kumakalat na ang sakit sa karatig isla natin. Marami ng naapektuhan sa Soland at hindi natin dapat pang hintayin na mapunta dito sa Everland ang sakit." Litaniya niya na siyang ikinatigil ko, hindi ko alam pero may kung ano sa puso ko ang hindi maintindihan ang sinabi ni Kuya.
Diba alam niya naman ang kakayahan ko?
"Kuya, alam mo namang hindi ako natatablan ng sakit diba?" Mahina kong bulong sa kaniya para hindi marinig ng mga kapitbahay. Mahirap na dahil magkadikit-dikit lang ang mga bahay rito at isang sigaw mo lang ay maririnig na ng lahat.
Ang bahay namin ay maliit pero may pangalawang palapag, hindi amin ang bahay na 'to dahil inuupahan lang namin para makatipid papunta sa trabaho. Hindi ko rin alam kung squatter ba ang tawag sa lugar na 'to, malinis naman kasi ang kapaligiran dahil sa nagtutulungan ang mga taga rito na panatilihin ang kalinisan at katahimikan. Hindi semento ang bahay, gawa lamang sa kahoy at mga plywood pero ayos naman ang pagkakagawa dahil matibay. Ilang bagyo na ang dumaan pero matayog pa rin at hindi nasisira.
BINABASA MO ANG
Epidemic's Last Medicine [BL]
Viễn tưởng"We will survive together, we won't leave each other." ***** In the new modern era, lot of things happened. It's more complicated and deadly, where all the people is doing their best to survive. Where death is chasing them everyday through a deadly...