Chapter 5

63 10 41
                                    

Primitivo




"At diyan natatapos ang pabrika, tapos sa likuran nito ay mga tindahan na. Mga maliliit na negosyo ng iba't ibang pamilya kaya importante sa kanila ang puwesto nila. May malaking exit sa likuran, tapos may secret exit naman do'n sa isang gilid papalabas ng malawak na field." Mahabang paliwanag ko kay Precioso, kanina pa ako nagpapaliwanag sa kaniya at mabuti naman dahil mukhang nakikinig naman siya pero mapapansin mo parin talaga ang pagiging arogante ng isang 'to na parang sinasabi niyang hanggang dito lang ako, at hindi kailanman na maaabot ang itaas.

Gagong 'to talaga kahit kailan, hindi man nagsasalita pero maaasar ka talaga sa mukha niya. Kanong hilaw!

"May tanong ka po ba?" Diing sambit ko sa 'po' na siyang ikinangisi niya. Lalong uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya pero kinalma ko na lang ang sarili ko dahil baka kung ano ang magawa ko't mapagsalitaan na naman siya ng masama.

"You're good with your work, that's impressive. Poor people explains well." It is not just him that makes me feel exasperated, it is also his accent like he's intentionally using it to insult me more and my dignity as a poor person. Fucker! As long as I'm relaxed, there's no problem with me because I know to myself that I can handle stress and people like him.

Malaking problema man siya, kakayanin ko. Gaguhin niya man ako ng gaguhin, ipapakain ko sa kaniya ang mga salitang alam kong hindi niya magugustuhan. At ipapakita ko sa kaniya na hindi ako apektado sa mga insulto niya, lalo na sa presensiya't pananakot niya.

"I'm well trained, Sir. That's given." Ayoko mang magtunog arogante, hindi ko mapigilan na sagutin siya pabalik. Pero mukhang mas lalo lang siyang natuwa sa sinagot ko at mukhang hahagikhik pa ang gago!

"Well, you have to, poor people need to be trained so that they can earn money." Pagkasabi niya no'n ay umiwas na lang ako ng tingin at sikretong ginawang kamao ang mga palad ko. Kasabay no'n ay ang malakas na pag-bell ng ring ng pabrika hudyat na break na namin ulit. Mainit, at mukhang tanghaling-tanghali na kaya kailangan ko ng lumabas.

Palibhasa kasi mayaman, hindi kailangan dumihan ang mga kamay para magkapera!

"Hey, where are you going? We're not done yet." Seryoso nitong turan nang akmang tatalikod na sana ako. Huminga ako ng malalim at hinarap ulit siya.

"Nag-ring na ang bell Sir, meaning, break na namin. Kailangan ko pa po bang ipaliwanag kung ano ang break?" Natigilan siya sa sinagot ko at mukhang natameme, hindi agad siya nakapagsalita kaya kinuha ko na 'yon na oportunidad para umalis sa harapan niya. Pagkatalikod ko sa kaniya ay agad kong nakita ang imahe ni Kuya na kumakaway sa akin, ngumiti agad ako ng malapad at kumaway rin pabalik.

Nang maibsan man lang kahit kaunti ang inis ko sa kanong hilaw na 'yon!

Pagkalapit ko ay agad akong inakbayan ni Kuya, halatang pagod kaya napailing na lang ako. Hahawakan ko na sana ang braso niya nang pigilan niya 'yon gamit ang isa pa niyang braso.

"Huwag, Tivo, huwag na huwag mong gagamitin ang kapangyarihan mo kapag may maraming tao. At tiyaka, ayos lang ako, kaunting pahinga lang ang katapat nito." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya at napatango na lang kalaunan.

It's a bad move actually, I almost healed him without knowing that there are lots of people watching us here. What a shitty careless me!

"Sorry, Kuya." Panghihingi ko ng kapatawaran, ngumiti lang siya sa akin at hinila na ako papalabas.


Epidemic's Last Medicine [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon