Primitivo
"Kumain na kayo, nagluto ako ng sinigang diyan. Marami pa do'n kaya kuha lang kayo, sinarapan ko 'yan dahil alam kong gutom na gutom na kayo." Napangiti ako sa sinabi ni Ate Solen at napatingin sa dalawang malaking mangkok na may malalaking hiwa ng karne at maraming sabaw na mainit pa.
Agad kong pinagsandok si Ella ng kanin at kinuhanan ko na rin siya ng karne at sabaw.
"Hipan mo muna Ella ah? Mainit pa 'yan." Tumingin siya sa mga mata ko at binigyan ako ng ngiti. Ngiting hindi naman abot sa tenga niya kaya nagtaka ako. Nitong araw lang ay parang matamlay siya, hindi ko rin siya matanong dahil minsan lumalayo siya sa amin. Nakakapagtaka nga pero inintindi lang namin, si Ate Solen lang kasi ang kinakausap niya na siyang hindi na ako nagtanong pa.
Para sa akin kasi, baka nangungulila na siya sa pamilya niya at hindi ko rin naman malaman ang katotohanan kung iniwan nga ba siya o naging mga halimaw na ang mga magulang niya. Kapag naiisip ko ang posibilidad na iniwan siya, nanggagalaiti talaga ako at parang gusto kong manuntok. Kasi sino namang matinong mga magulang ang iiwan ang kanilang anak sa kalagitnaan ng ganoong sitwasiyon? Paano kung nakagat siya at napahamak?
"This is good, you're a good cook Solen." Napangiwi ako dahil sa walang galang niya lang na tinawag ang pangalan ni Ate Solen na para bang mas matanda siya kaysa rito. Hindi ko alam kung matutuwa nga rin ba ako sa pag-compliment niyang 'yon o baka ipinapakita niya talaga kung ano ang ugali niya?
Rich people.
Napailing na lang ako at hindi na siya tinignan pa. Simula no'ng mangyari ang nasa guard house ay hindi na ako kumibo pa sa kaniya at hindi ko na siya pinansin. Hindi ko naman alam kung bakit pero kapag kasi nasa malapit siya, pakiramdam ko ay lagi akong kakabahan. Na kapag nandiyan siya sa tabi ko, obligasiyon kong lagi siyang sundin.
"Ay nako Sir, hindi naman talaga ganoon kagaling pero namana ko po talaga ang pagkamarunong kong magluto sa mga magulang ko. Dati silang mga kusinero at kusinera sa malaking restaurant noon pero natigil nang bumagsak ang negosyo. Hanggang sa nagtayo sila ng karinderya hanggang sa ako na ang nagmana nito nang pumanaw sila." Ngiting mahabang litaniya ni Ate Solen kay Precioso na siyang ikinangiti ko na lang.
She's my mom's friend and until now, it is so sad knowing that they didn't even meet for the last time before my mother died in airplane crash. She told me before about how jolly my mother was even she was so sensitive to her surroundings, and she is not hard to be with even though she is allergic of pollution especially bacterias that you can get from the air.
"Nako Ate Solen, paturo nga minsan." Natatawang turan ni Kuya. "Minsan kasi mukhang hindi na nasasarapan si Tivo sa mga niluluto ko sa kaniya eh." Natawa na lang ako dahil sa ngumuso pa si Kuya nang sabihin niya 'yon. Nang madako ang tingin ko sa katabi niya ay nabigla na lang ako nang makatanggap ako ng masamang tingin mula kay Pebrero, kinabahan ako saglit pero hindi na lang ako umimik at agad inilihis mula sa kaniya ang mga mata ko.
Binuhat ko ang malaking mangkok at halos mahulog ko pa ito dahil sa biglaang pagsigaw ni Precioso!
"A-Ano ba?" Halos gulat ko na ring sigaw sa kaniya, agad kong nilapag ang mangkok sa tabi ng plato ko at takang tinignan sa mga mata si Precioso.
Bigla niyang kinuha ang dalawa kong kamay na siyang ikinatigil ko halos sa paghinga. Kinabahan ako dahil sa baka kung ano ang magiging reaksiyon ni Kuya kaya nanatili na lang na nakadapo ang tingin ko sa mga kamay kong hawak ni Precioso!
"Fuck, are you not hurt? The bowl is fucking hot, Tivo!" He almost shouted! Agad kong binawi ang kamay ko at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nginuso ko ang direksiyon ni Ella na ngayo'y parang nagtataka nang nakatingin sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Epidemic's Last Medicine [BL]
Fantezie"We will survive together, we won't leave each other." ***** In the new modern era, lot of things happened. It's more complicated and deadly, where all the people is doing their best to survive. Where death is chasing them everyday through a deadly...