Chapter 12

41 4 0
                                    

Primitivo



"S-Sir."

"Call me by name." He immediately fired back that made me narrowed my eyes.

"Eh sa Sir kita, at baka kung ano na namang masabi ng iba dahil hindi kita tinatawag sa pangalan mo." Kaunting inis kong turan sa kaniya pabalik. Ayan na naman kasi siya sa hindi ko maintindihan ang rason kung bakit na naman siya nagkakaganiyan! Natural lang naman na tawagin siyang Sir kasi Boss siya, at Boss namin lahat dito kaya tatawagin ko siyang gano'n para na rin magbigay respeto!

Psh, kahit hindi bagay sa kaniya!

Eh ano na naman kasi pinuputok ng butchi nito at nagpapatawag na naman siya sa totoo niyang pangalan? Noon, sabi niya maganda daw sa pandinig tapos ngayon, gusto niya pangalan niya na naman?

"What's the deal about calling me by my name, Primitivo? Are we going to fight because of this again? We're not in the workplace anymore, you are not working so you can just call me 'Precioso', or perhaps, 'love'?" Napangiwi ako sa huling sinabi niya kaya agad akong lumayo.

Gago!

"Ewan ko sa'yong gago ka." Mahinang boses ko pero alam kong narinig niya 'yon. Pero wala akong pakialam kasi gusto ko namang iparinig sa kaniya ang pagmumura ko.

"Psh, just kidding, hey! Can you get the remote? I have to check on something." Huminga na lang ako ng malalim at hinanap ang remote na sinasabi niya. Alam ko naman ang itsura ng remote pero huwag niya lang talagang sasabihin na pati ang remote dito sa bahay niya ay kakaiba ang itsura at mamahalin dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko!

Oo nakakainggit, sa laki ba naman ng bahay na meron si Precioso ay makakaramdam ka talaga ng inggit lalo na't kumpleto sa gamit ang mokong. Hindi ko alam kung paano sila yumaman ng yumaman ng ganito pero may mga tao talaga na nagtatrabaho ng mabuti hanggang sa maging sobrang mayaman. Pero kapag yumaman na, nagiging matapobre na silang lahat na para bang nakalimutan na nila kung saan sila nanggaling.

"Ito." Kuha ko sa remote na nakita ko, agad kong ibinigay kay Precioso ang remote at nakangisi lang niya itong inabot na siyang mas lalo kong ikinainis. Inaasar na naman ang gago!

Mukhang hindi nakalasap ng paghihirap ang lalaking 'to eh.

"Don't frowned like that, Primitivo, you're being cute in my eyes." Akmang ibabato ko na sana ang remote sa kaniya dahil sa inis ay bigla niya na lang pinigilan ang kamay ko gamit ang kamay niya na siyang agad kong ikinalayo kaagad.

Nagulat ako dahil sa parang mas lalong lumakas ang kuryente na nararamdaman ko kapag hinahawakan ko siya? Noon, napapansin ko na talaga na may kakaiba talaga akong nararamdaman kapag humahawak ako sa kamay niya pero hindi ko aakalain na aabot sa punto na lumalakas na ang kuryenteng nararamdaman ko kapag nakahawak sa kaniya!

"H-Huwag mo na akong gaguhin, ina mo ka." Bulong ko na lang. Mukhang wala siyang nararamdaman katulad sa nararamdaman ko kapag magkahawak kami ng kamay.

Fuck, what's with those electric feeling?

Napalingon ako sa malaking telebisyon na nasa likuran ko nang bumukas iyon. Halos maduling ako dahil sa liwanag na taglay no'n kaya napalayo ako ng kaunti hanggang sa maupo ako sa kama.

Tangina, kahit ayoko, wala akong choice kun'di ang makitulog sa kwarto niya. Sabi niya, marami namang kwarto pero wala namang gamit at hindi pa nalilinisan kaya kung pwede ay sa iisang kwarto na lang muna kami ng gago matulog. Hindi naman kami magkatabi sa malaking kama, nasa sofa niya ako natutulog katabi ng napakalaking sliding window na tanaw na tanaw talaga ang kabuuan ng buong espasiyo sa bahay nila. Pero hindi mo makikita ang labas dahil nga sa napakalaking mga dingding na nakaharang!

Epidemic's Last Medicine [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon