Primitivo
Walang ni isa sa aming lima na nasa loob ng sasakyan ang gustong magsalita habang unti-unti naming tinatahak ang daan papunta sa mansiyon ni Precioso. Kinakabahan, natatakot, nanginginig at nag-aalala habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. Kitang-kita ang ibang mga taong natataranta dahil sa balita, kitang-kita sa iba na nag-iimpake habang ang iba naman dito ay nagsisitakbuhan na at wala ng pakialam sa kung sino man ang mabangga nila.
This place is poor, you can see how small their houses are and how dirty the surrounding is. But this is the only way towards the working place. This is also a squatter, same with our house's location that we are renting but the difference is, our place is clean and neat unlike this place.
Ito lang ang tanging daan para makalabas kami sa pabrika, at ito lang din ang tanging daan papunta doon. Ngayon, kitang-kita ko sa mga mukha ng mga tao ang takot dahil sa siguro'y nabalitaan na nila ang nangyari sa Rivera. Alam kong gumagawa na sila ng paraan upang makaalis sa lugar na'to lalo na't rinig na rinig na ang sigawan sa kabilang baryo. Kitang-kita rin ang mga namamanghang mga tingin habang nakatingin sa sasakyan na 'to.
Madali lang para kay Precioso ang makadaan lalo na at wala ni isang motor o sasakyan ang naririto. Mabilis kaming nakadaan dahil sa alam ng mga karamihan na narito kung kanino ang sasakyan na 'to.
"You don't have to worry about the food and clothes, I have a lot in my mansion. What we need to do is to save ourselves from the virus and prevent getting bitten by those fucking zombies." Biglaang saji ng katabi ko. Napatingin ako kay Precioso na ngayo'y seryosong-seryoso ang mga mata habang nakatingin sa daan. Pokus na pokus siya daan na siyang ikinahinga ko ng malalim.
Alam kong mayaman siya, alam na alam ko pero hindi ko alam kung hanggang saan ang yaman niya kung kumalat na ang sakit at maapektuhan na ang lahat ng lugar sa isla na 'to.
"Ayos lang ba, Boss? Kung puwede, dumaan muna tayo sa bahay. Maraming pagkain din akong tambak doon, makakatulong 'yon para mas rumami ang pagkain natin." Rinig ko mula kay Pebrero habang nakatingin ito sa bintana kung saan makikita niya ang asul na mga mata ni Precioso.
"Tama siya, Sir. Hindi naman puwedeng iaasa na lang namin lahat sa inyo lalo na't makikitira kami sa mansiyon niyo. Delikado na sa isla na 'to kaya mas makakabuti kung magtutulungan tayong lahat." Segunda naman ni Kuya Primo na para bang hindi niya sinuntok si Precioso kanina.
"It's dangerous out there, we have to make sure that we are safe. It's too risky."
"Sir, tama sila." Napalingon sa akin si Precioso ng sandali at humarap ulit sa daan. Huminga siya ng malalim at parang umigting ang mga panga niya.
"Hindi namin puwede iasa sa'yo ang lahat, sa inyo kami tutuloy kaya kahit sa paraan man lang na 'to ay hayaan niyo kaming makatulong. Hindi pa apektado ang lugar nila Pebrero, ganoon din sa amin kaya may oras pa." Dagdag ko. Hindi ko na nilingon si Pebrero dahil alam kong nanliliit na ang mga mata niyang nakatingin sa akin lalo na't hindi ko siya tinawag na Boss.
"Fine, you have to fucking move faster. But to your case, Primitivi, I won't let you. Let Pebrero get his things and we'll go." He finally uttered that made me stopped, after seconds, I smiled a bit and nodded.
Wala akong magagawa, wala na rin akong lakas para makipagtalo kaya mas mabuti na lang kung sumunod na lang ako sa sasabihin niya.
Ilang minuto ang lumipas ay itinuro na ni Pebrero kung saan ang kanila at mabuti na lang rin ay nasa gilid lang ng kalsada ang sa kanila. Napansin kong wala ng katao-tao dito sa parte na 'to kaya madali lang para kay Pebrero ang makagalaw ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Epidemic's Last Medicine [BL]
Fantasy"We will survive together, we won't leave each other." ***** In the new modern era, lot of things happened. It's more complicated and deadly, where all the people is doing their best to survive. Where death is chasing them everyday through a deadly...