Chapter 39: Worried
TATLONG araw hindi nagpakita sa akin—mali, bulag naman ako at wala akong nakikita pero sa loob ng mga araw na iyon ay hindi na ako kinausap pa ni Miko. Nagagawa na niya akong tiisin. Nagagawa niya akong saktan ng dahil lang sa maling akusasyon na malabong gagawin ko.
Ni hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa isyung may lalaki raw ako at binalak ko pang ipalaglag ang aming anak. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Alam niya na ako ang tipong babae na iniiwasan ang isang bagay na makasalanan. Kahit ang pagtatalik namin ay pinarangalan ko siya noon. Ngunit dahil sa kagustuhan ko rin na ibigay ang sarili ko sa kanya ay hindi na ako nagpakipot ika ng karamihan.
At kahit na kailan ay hindi dumapo sa aking isipan ang patayin ang aming mga anak. Dahil kung sa umpisa ay iyon lang pala ang gagawin ko ay hindi sana, hindi na rin ako nagpagalaw sa kanya.
Hindi ko rin alam kung saan siya umuuwi. Walang nagsasabi sa akin hanggang sa...pumunta sa bahay namin si Markiana. Ang anak nina Kuya Markin at Rea. Siya rin ang panganay na apo sa tuhod ng grandparents ni Miko. Ang pinakamadaldal na pamangkin ni Miko.
"Aunt Donna, hanap mo palagi si Uncle Miko?" malambing na tanong nito sa akin.
"Oo. Paano mo nalaman iyon, Markiana?" tanong ko at hinila-hila niya ang aking kamay. Sa totoo lang ay gusto ko siyang makita. Nahawakan ko na rin ang mukha niya. Kahit bata pa ay ang tangos-tangos na ng ilong niya.
Mahahaba ang pilikmata niya at ang buhok niya ay may pagkakulot. Manang-mana siya sa kanyang ina na natural kulot ang buhok. Malusog na bata rin siya kasi may katabaan.
"Kasi po alam ko. Ihahatid po kita kay Uncle Miko ko. Always din po siyang nag-c-cry," magalang na sambit nito. Naturuan ng good manners ng Mommy niya. Marunong din makipag-usap na may paggalang sa nakatatanda.
"Alam mo kung nasaan siya ngayon?" tanong ko naman.
"Nasa house po nina Lola Jina and Lolo M," sagot niya at nabuhayan ng loob ang aking dibdib. I extended my hand to her at mabilis niyang hinawakan iyon. Ang lambot ng palad niya.
Dinaldal pa niya ako habang naglalakad na kami palabas ng aming bahay. Hapon na rin ngunit nararamdaman ko ang init ng araw.
Dalawang kamay niya mismo ang humawak sa akin at ginagabayan niya ako sa paglalakad.
"Paano mo nalaman na nandoon siya?" I asked her.
"Hindi ka po kasi dumadalaw sa house ni Lola Jina, Aunt Donna," aniya. Narinig ko ang pagbukas niya ng gate. "Be careful po, Aunt." Napangiti ako.
"Opo," ani ko.
Nakarating din kami sa mansion at sa totoo lang ay kinakabahan ako kapag makahaharap ko na siya. Kahit kay Tita Jina—
"Jean? Hala, bakit lumabas ka, hija?" Parang maiiyak ako nang marinig ko ang boses ng mommy ng fiancé ko. Akala ko ay galit siya kasi hindi na siya pumupunta pa sa bahay namin. Si Grandma na ang kasama ko palagi.
"Tita..."
"I brought my Aunt Donna here po, Lola. Kasi po nakita ko siya na tulala lang sa garden nila and it seems po ay na-m-miss niya ang uncle ko. So, Lola... Masama po sa kanya ang mag-cry kasi baka nag-c-cry rin ang little cousins ko," paliwanag ni Markiana.
"Okay na, apo ko. Ang bait mo talagang bata at maalalahanin ka."
"Thank you po, Lola ko."
"Galit din po ba kayo sa akin, Tita Jina? Kaya po ba ay hindi na rin kayo pumupunta sa bahay namin?" malungkot na tanong ko. Naramdaman ko pa ang pagpisil ni Markiana sa aking kamay at ang paghaplos niya sa likod nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/358439708-288-k37961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...