Entry #10

7 5 0
                                    

“Tula ng Hiraya para sa isang Gunita”Dimasilaw_101

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tula ng Hiraya para sa isang Gunita
Dimasilaw_101

Naalala ko noon,
Alas tres ng hapon,
May iilang tutubi akong naipon,
Kasabay ng batong inilagay ko sa garapon,
Masaya at magaan sa pakiramdam ang ganoon.

Ang pagtama ng ginintuang araw sa aking mukha,
Ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking alaala,
Ang ugoy ng duyan sa ilalim ng punong akasya,
Lahat ng iyon ay mula sa aking nag-iisang gunita.

Mahal ko ang sarili na nasa nakaraan,
Gusto ko siyang samahan,
Sasabihan na ang lungkot na ng aking nakagisnan,
Mas gugustuhin kong makulong sa mundo ng aking kabataan,
Mahalin ko man ang sarili–ako'y nahihirapan.

Kung hihilain ako pabalik ng Diyos sa nakaraan,
May mga alaalang nilagdaan ng aking kabataan,
Siguro'y makakahinga ako nang maluwag,
Kaysa sa mundo kong ako mismo ang duwag.

Whispers of Unrequited AffectionWhere stories live. Discover now