Mula sa bawat ugong ng musika sa paligid hanggang sa kalamigan ng aking mga palad, umaalingawngaw ang kakaibang kiliti’t tensyon tuwing saglitang nagtatama ang ating mga mata.
Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong humingi ng paumanhin sa suot kong damit, dahil sa mahigpit na paghawak ko na lamang nito sa laylayan ang nagpapaalala sa akin na kailangan kong manatiling tuwid ang wisyo.
Alam ko sa aking sarili na kaunting tulak, tuluyan na akong malalasing sa iyo.
Sa malamig na simoy ng hangin at nagsasayawan na mga ilaw, animo’y naglalaro ang mga kulay sa aking paningin. Lahat ay nagtutulong-tulong para paliwanagin ang iyong wangis, sa paraan na hindi ko magawang umiwas ng tingin.
Bawat segundong lumilipas, nakakaramdam ako ng takot sa tyansang titingin ka sa aking mga mata. Takot na makikita mo ang mga basag na lampara’t bumbilya na maaaring paliwanagin ng iyong mga alitaptap na dala.
Sa paghilab ng bawat isa, alam kong wala akong kakayahang pigilan sila.
Ilang kabig man sa puso ang magpanginig sa akin, kahit sinasakop ako ng pagkabahala’t humaling, kailanman ay hindi mo dapat malaman ang totoo. Bukod sa wala sa kagustuhan ko ang mapalayo ka sa akin, ang iyong mga mata ay sa iba nakatingin.
[Referenced to Marahuyo Series by Grievensvhelm
#AntonCaloy from Backfiring Cupid’s Arrow (on-hold)
#DavinaLavinia from The Cracked Bulb’s Firefly (unreleased)]
YOU ARE READING
Whispers of Unrequited Affection
RandomNobody who is in love should be deemed completely sad. Unreturned love is not without its rainbow. You will never give up searching for love if the people who are supposed to love you don't provide it to you. Unrequited love is, I must say, far bett...