“Bakit Siya Ang Napili”
gemoryaSa bawat araw na lumilipas,
Ramdam ko na ang iyong paglisan.
Magkasama ngunit tila hindi mo ako nakikita,
Dati ay ako, pero bakit biglang nagbago?Sa simula, tayo'y nagmahalan ng tapat,
Mga pangako ng walang hanggang pag-ibig.
Ngunit sa bawat sandali, nararamdaman ko,
Na ako'y kahit nasa piling mo, ika'y hindi akin.Tunay mo ba akong mahal pa rin,
O may iba ng iniibig?
Ayaw kong isipin na may iba kang sinisinta,
Ngunit ramdam kong hindi ako ang iyong pinili.Nakikita ko sa mga mata mo,
Ang pag-ibig mong para sa kanya lamang.
Ako'y naiiwan sa dilim ng pangungulila,
Hinihiling na sana'y ako na lamang.Pilit kong itinatago ang sakit na nararamdaman,
Ang puso kong sugatan sa pag-ibig mong hindi sa akin.
Gusto ko pa sanang manatili sa'yo,
Ngunit napapagod na akong magtanong kung bakit siya ang iyong pinili?
YOU ARE READING
Whispers of Unrequited Affection
RandomNobody who is in love should be deemed completely sad. Unreturned love is not without its rainbow. You will never give up searching for love if the people who are supposed to love you don't provide it to you. Unrequited love is, I must say, far bett...