Entry #19

5 4 0
                                    

“Umaasa”Emina_Daisuki

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umaasa
Emina_Daisuki

Hindi ko inakala na sa paglipas ng panahon, darating ang araw na magiging akin ka.

Ilang taon na rin mula noong nahulog ako sa iyo. Ilang taon na rin mula noong tinago ko ang nararamdaman kong ito kasabay ng kawalan ng pag-asang magiging tayo. Lubos akong natuwa ngayong sinusuklian mo na rin itong damdamin kong ikaw lang ang sinisigaw.

Sa iyong pagngiti sa tuwing nagtatama ang ating tingin hanggang sa iyong paghawak sa aking kamay, pakiramdam ko wala nang makapaghihiwalay pa sa atin.

Kapag nakakaramdam ako ng takot na baka mapunta ka sa iba, isang bigkas mo lang ng "Mahal kita" ay sapat na. Kapag nakakaramdam ako ng tampo, isang "Sorry na" ay magiging ayos na. Tila ba may taglay kang mahika na kahit anong galit ko sa iyo, mapapaamo mo ako bigla.

Tila isang pantasya ang pag-iibigan nating kahit na sinuman, walang makakasira.

Ngunit sa muling pagmulat ng aking mga mata, lahat ay kathang-isip lang pala. Saka ko napagtanto, naaabot lang kita sa panaginip, imahinasyon, at sa istoryang gawa-gawa lamang ng pusong umaasa.

Whispers of Unrequited AffectionWhere stories live. Discover now