Entry #12

5 4 0
                                    

“Walang Katapusang Pag-ibig”RoseliaPoessy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walang Katapusang Pag-ibig
RoseliaPoessy

Mahiwaga ang pag-ibig. Kakaiba at punong-puno ng sining. Nagbibigay ginhawa at liwanag sa pakiramdam. Kaya’t hindi ito matatago, hindi ito mawawala. Ngunit sa ’yong ginawa, naranasan kong huminga, nakita ko ang ningning ng buhay. Pero habang nilalakbay ko ang mundo, sakripisyo mo’y laging nararanasan mga pagbabahagi mo walang kapantay. Patuloy mong binubuo ang wasak kong puso, palagi mong pinaparanas ang kasapatan sa tuwing kahinaan sa aking kabuuan ay tuluyan sinisira ang aking katauhan.

Ang pag-ibig mo ay sapat, puro at laging tapat.Hindi nanunumbat, palaging tunay at nanatili. Subalit, napagtanto kong sa isip at gawa batid kong marami akong pagkukulang. Ngunit hindi mo tinimbang ang aking kakulangan, hindi mo hinuhusgahan ang aking nakaraan. Palagi mo pa rin akong dinuduyan sa pag-ibig mong nag-uumapaw. Ito ay hindi pangkaraniwan, maingat at banayad. Dahil ang pag-ibig mo ay maningning, kayang abutin at laging nagmamalasakit.

Hindi lamang dugo, pawis at hirap ang kaya mong ialay kundi pati ang iyong buhay. Kahit sa paningin ng iba ay kalabisan na ito at ikaw ang laging nagmamahal, ikaw ang tunay na simbolo ng pag-ibig.

Whispers of Unrequited AffectionWhere stories live. Discover now