Masquerade Night"Are you ready, Mall?" I asks Mallory my partner for tonight. "You look stunning, by the way." I complimented.
"And so are you." She responds, giving my cheek a kissed before fixing her dark and golden mask.
Parehas kaming apat ng mask, dark and gold.
Naglakad na kami papasok ni Mallory, nakasunod lang kami kay Beau at Clementine na nauna na sa amin sa pagpasok,
Simple lang ang suot ko, gown rin na may malaking slit sa may hita pababa sa binti ko. Pinili din namin yung hindi masyadong tight sa akin dahil kay little FreiFrei.
Actually matchy color kaming apat ng gown na sinuot ngayon gabi, yun yung napag-desisyonan namin nung nag-usap-usap kami.
Pagkapasok namin sa loob ay pumunta na kami ni Mallory sa table kung saan nagpa-assigned si Clementine na para lamang sa amin. Andun narin ang dalawa.
"I hate parties." reklamo agad ni Clementine saka sumipsip ng wine. "One hour and I'm going home."
"Clems naman, hindi pa ako nakakakain." alam niyo na kung sino nagsabi niyan.
"Kaya halika ka na, kumuha na tayo ng pagkain." hila ni Mallory patayo kay Beau.
Kanina pa nagsisimula ang party, nahuli lang kami ng dating dahil sa Reyna, ina ni Clementine.
"Pinapakain mo ba yan sa palasyo? Parating gutom eh." Natatawang bigkas ko kay Clementine habang tinatanaw si Beau at Mallory na naglakad papunta sa buffet area.
May buffet area kasi kung gusto mo pang kumain, meron din naman waiter na naghahatid ng makakain mo, but clearly my friend has no patient in waiting especially when it's about foods.
Actually we have our own waiter every table.
Habang nag-uusap kami ni Clementine ay bigla nalang nahagip ng aking mga mata ang kapatid ko. Kaninang umaga ang huling kita ko sa kanya dahil sa palasyo ako nina Clementine nag-ayos.
And seeing her right now in her gown makes my heart fluttered. She looks so exquisite, I almost couldn't describe it in word.
I mean, exquisite is an understatement.
"Close your mouth, Frei. Napaghahalataan ka masyado." Clementine nudged my shoulder lightly, magkatabi kasi kami ng upo.
Wala sa sariling itinikom ko ang aking bibig dahil nakanganga nga ako. Nakakahiya.
"You're so inlove. Ew."
"Kapag ikaw talaga na-inlove, pagtatawanan kita." rebat ko sa kanya saka siya inirapan kahit hindi naman nito nakaklaro dahil sa suot naming mask.
"Good luck, cause that will never happen." confident na sagot nito saka humalukipkip.
"Di mo sure."
Minsan talaga nalilito ako sa babaeng 'to, ayaw sa love pero pinupush naman ako sa kapatid ko, tapos ngayon wagas maka 'ew'. Seriously.
Hindi na muling sumagot si Clementine at bored ng nakatingin sa cellphone nitong dala.
Wala talaga kaming balik na um-attend sa event kaso Clementine is a royal blood, therefore she needs to be present. At dahil bodyguards niya si Beau at Mallory ay kasama din sila, at dahil kaibigan ko sila ay wala din akong choice kundi ang sumali.
Ilang sandali pa ay dumating na si Beau at Mallory na may dalang pagkain, kasunod din nila ang dalawang waiter na naka-assigned sa table namin, may dala din silang mga pagkain.

YOU ARE READING
Atty. Calvry
RomanceThe story of Clementine's bestfriend: Atty. Yllezabeth Freirain Calvry. A short story only. TAGALOG-ENGLISH [FEBRUARY 2024 - MARCH 2024]