Chapter 18+

29.5K 658 223
                                        



"Yeeey! Ate Frei, you cameeee!"

Masaya akong sinalubong ng yakap ni Einna pagkarating ko sa bahay nila. Hindi na kami sabay na pumunta ni Vera dito dahil nagpahatid pa sa akin si Mallory sa BGC, kaya ito medyo natagalan ako ng konti sa pagpunta dito sa bahay nila.

But I texted Vera earlier that I was stucked in a traffic.

Baka kasi pagdating ko dito nasa loob na ako ng coffin, grabe pa naman mag-banta ang babaeng yun.

"Of course, your mommy is scary, don't wanna get into her nerves you kn—"

"You know that I can hear you, right?" napatigil ako sa pagsasalita ng makita si Vera na masamang nakatingin sa akin.

"Hehe." pagak akong ngumiti saka umayos ng tayo. "Good everning, Vera. Thanks for having me over."

Mariin itong tumango. "Let's go now, the food is ready." aya nito at nauna ng maglakad pagkatapos niyang maisara ang pintuan ng bahay nila.

Her house is homey, di masyadong malaki at di rin masyadong maliit. Ang aliwalas din ng ambience.

May second floor rin.

Inilibot ko ang aking tingin at nakitang halos light colors lahat ang interior design, dark colors naman ang exterior.

Pagkarating namin sa dinning table ay nagtaka ako dahil wala si Lincoln.

"Uh. Where's your husband?"

"Out of town. Business." tipid na sagot nito at umupo na.

Medyo marami rin ang hinanda niya pero kami lang tatlo ang kakain.

"Ang dami nito tapos tatlo lang tayo kakain." sambit ko at umupo na pagkatapos kong malagay si Einna sa toddler chair.

"Just eat."

Napanguso ako at nagsimula ng sumandok ng pagkain. Pagkatapos namin magdasal ay nagsimula na rin kami kumain ng tahimik.

I should feel awkward, pero hindi. I'm happy eating with them right now.

"Ate Frei, you should try mommy's cake, she baked one earlier." Einna muttered before eating her vegetables.

"Sure, baby. I will, later." masayang sagot ko.

"We got bored earlier that's why we baked one." paliwanag nito saka tumayo sa pagkakaupo at pumasok sa kusina.

Pagkabalik niya ay may dala na itong isang cake, sakto lang naman ang laki na kayang ubusin ng apat o limang tao. Inilagay na niya ito sa mesa saka muling umupo.

Patuloy kami sa pagkain habang paminsan-minsan rin kaming nag-uusap ni Einna dahil nagtatanong ito tungkol sa mga superheroes. Nang matapos na kaming kumain ay nag-slice na ako ng cake.

I hummed. "This is so good."

Ang sarap nga ng cake. It's a mocha flavor.

After our dessert, Einna invited me to watch her favourite cartoon with her.

Kaya naiwan sa kusina si Vera para linisin ang kalat dun, nag-presenta akong tulungan siya pero sabi niya ay samahan ko nalang sa living room si Einna.

"Einna, what's the name of that boy?" tanong ko sa bata habang nasa tv ang tingin, pero ng wala akong makuhang sagot sa kanya ay nilingon ko ito at nakitang tulog na siya.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10pm na ng gabi. Dahan-dahan kong pinatay ang tv at saka tumayo na sa pagkakaupo.

Sakto din at dumating na si Vera galing sa kusina.

Atty. Calvry Where stories live. Discover now