Chapter 20

18.8K 626 84
                                        



"Ate Frei, why can't you go with us po?"

"I have some important matter to do kasi, baby, eh. I'll be helping managing the Letizia Cafe for the meantime."

Inaaya ako ni Einna na sumama sa kanila mamayang gabi na kumain sa labas, pero may schedule na kasi akong mamayang gabi.

"I don't get it po, Ate Frei?" her brows creased in confusion.

"She's busy, Verienna. Let's go." malamig na usal ni Vera saka binuhat si Einna.

"I'm sorry, baby. I'll make it up to you, okay?"

Malungkot siyang tumango. "May we meet again, Ate Frei."

Napabuntong-hininga ako ng umalis na sila dito sa opisina ni Anastacia sa Bliss Academy. Andito ako ngayon dahil kinuha rin ako ni Anastacia as their family lawyer, and I need to sign some papers.

Pero ang babaeng yun, nakalimutan atang ngayon ang punta ko dito dahil hindi man lang nagsabi na may business conference pala siya sa Shangri La.

Kung hindi pa ako pinuntahan ni Vera dito ay buong maghapon akong maghihintay dito sa loob ng opisina niya.

It's been a week since I met her again and after that we talked, and she asks for my help to manage her cafe for awhile, since I'm on my vacation I agreed to help her.

Also, after that day I haven't talk to Vera yet, ngayon ko nalang din ulit sila nakita dahil naging busy ako dun sa cafe.

At dahil wala nga si Anastacia dito ay napag-isipan kong umuwi nalang muna para makapag-pahinga muna sa condo.

Yes, condo.

Clementine bought one for me around Makati area, I told her na balik nalang ako dun sa condo ni Mallory since malaki naman yun pero hindi siya pumayag, kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang binigay nito.

I'm poor, kaya sayang din kung tatanggihan ko ang binigay nito.

Hindi naman masyadong malaki ang binili niya sa akin, well, actually tinanggihan ko yung isang unit na gusto niyang bilhin sa akin. Masyado kasi itong malaki tapos ako lang mag-isa ang titira.

And I don't like hiring maids to clean my mess.

Nasanay na akong mag-isa sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay. Pero, maliban nalang kapag pinapalinis ko ang buong bahay sa Italy, kasi kailangan ko talaga ang tulong ng mga tauhan ni Clementine lalo na't medyo malaki ang bahay nina Mom and Dad dun.

Pagkarating ko sa condo ay kumain lang ako saglit, tapos ay nagpahinga saka pasalampak na humiga sa kama at umidlip.

Around 6pm pa naman ang balik ko dun sa cafe.

***

Two weeks passed,

Mas lalo akong naging busy sa Letizia Cafe, naayos ko narin yung pinapaayos niya sa akin na problema ng cafe niya.

Ngayon naghahanda ulit ako para pumunta sa Letizia Cafe at kunin ang sweldo ko, sinabihan ko na siya na hindi na niya ako kailangan swelduhan but she insisted.

I don't know why but I'm so happy because as the days passed, we've become closer to each other. Unlike before.

Pero two weeks narin ang nakalipas ng huli kong makita si Einna at Vera. Hindi pa kasi ako muling nakakabalik sa Bliss Academy kasi naging hectic yung schedule ko dahil may iniutos ulit sa akin si Clementine.

I miss them.

Truly.

"So, how's the cafe?" Beau uttered in the other line.

Magka-VC ulit kami, pero this time ay kasali na si Mallory.

"Mas dumadami na yung mga tao na pumupunta." sagot ko habang inaayos ang aking buhok.

Katatapos ko lang magpalit ng damit at maglagay ng konting make up, kaya ngayon itong buhok ko nalang ang aayusin.

"I'll go there, if I have a time. I haven't tried their coffee pa." sabad ni Mallory habang busy ito sa pagsusulat. "But I tried their foods already, minsan na kasing naka-order dun si Kavya."

"Mandu, hinay-hinay ka dun sa bata."

"Kyaaah~" napanguso si Mallory saka masamang tinignan si Beau. "I'm still young din naman ah? Tsaka I haven't made a move pa kasi baka matawag akong groomer at pedophile."

"How about yours, Frei?" this time nakisali na si Clems na busy rin sa ginagawa nito.

"Uh..." I'm loss for words because right now, I don't know what to say.

"You seems torn?" Beau smirks.

I rolled my eyes. "I'm not."

"Malapit na akong matapos sa pinapagawa ni Clementine, are you ready for my surprise?" napakagat ako sa aking ibabang labi saka siya muling inirapan.

"Sinong magiging ready sa surpresa mong ikakamatay ko?" I said, sarcastically.

Napanguso ako ng tinawanan lang nila akong tatlo.

Madami pa kaming pinag-usapan hanggang sa una na akong umalis sa Video Call, dahil pupunta na akong Letizia Cafe.


Pagkarating ko sa Letizia Cafe ay halos punoan na ang loob nito kaya napangiti ako. Hindi rin kasi maikakaila ang sarap ng mga pagkain at kape nila.

"Atty. Calvry, good evening po." bati ng crew ng makita nila akong pumasok.

"Where is she?" I asks as I roamed my eyes around the almost crowded place.

"She's inside the kitchen po, but she reserved a table for you po. Please, follow me po." kaya sinundan ko ang crew. Hinatid ako nito sa isang table na malapit sa entrance ng cafe.

I think naka-reserved na yung parte na secluded kasi dito na niya naisipan kaming mag-usap. May opisina naman siya dito sa loob pero dahil nasa kitchen siya ay paniguradong naka-locked yun.

Ilang minuto lang akong naghintay at dumating na rin siya na may dalang tray ng pagkain, nakasunod naman sa kanya ang isang waiter na may dalang inumin.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong nito ng makaupo na siya.

She looks beautiful with her new apron.

"Hindi naman, halos kakarating ko lang din." sagot ko na may ngiti sa labi.

"I made a new recipe." she beamed. "Ikaw muna una kong papatikimin para malaman ko kung masarap ba, para maisali ko din sa menu."

"I bet it's delicious."

She giggled. "Hindi mo pa nga natitikman." she playfully rolled her eyes. "Anyway, so, have you decided?"

"Decided what?"

"You... know? Living with me?"

Oh, I almost forgot about that one.

"I'm still thinki-"

"Yllez..."

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng marinig ko ang boses ni Vera, napalingon ako sa aking likuran at nakita itong mariin nakatitig sa kasama ko ngayon.

Walang kahit na anong bahid na emosyon ang mukha niya pero sa uri ng tingin niya ay para akong nanlalambot sa takot.

Napalunok ako saka bahagyang tumayo sa pagkakaupo.

"V-Vera, what are you doing here?" kinakabahan kong tanong.

Damn. It's been two weeks since we last saw each other.

"You're living with her?" may diin na tanong nito na ikinataka ko. "Answer me."

"Uh... Rain?"

"I'm waiting, Yllez."

Oh my gosh. She's so scary, I can't think properly.

"What is happening, Rain?"

I gulped, "A-Ate..."

Atty. Calvry Where stories live. Discover now