Chapter 1

17 1 0
                                    

Kiarra's P.O.V

Nandito ako sa aming mansyon at pinaayos ko na ang aking mga gamit, dalawang maleta ang aking dala dahil mahilig akong mag ayos, At alam ko din di kami makakalabas ng paaralang iyon ng walang okasyon katulad ng mga pasko at ngayon palang din kami mag eenroll doon, alam din naman namin na matatanggap kami duon gusto lang nila malaman ang aming katauhan pag pinafill up.

"Manong, pick up my bags in the car. Pupunta na tayo kay na Zien." Sabi ko at nilagay na ng driver ko ang mga gamit sa kotse at sumakay nako. Narinig kong nagvibrate ang phone ko alam kong si Zien yun at iniintay na ako. Excited amp!

Sinagot ko ang tawag "Hey,Why?" tanong ko pagkukunwaring di alam.

"Asan kana, Nandito na sila lahat. Sa sasakyan mo ang iba sasabay kase wala ang driver nila"

"Okay, on my way" sagot ko at pinatay ang tawag, tinitigan ko ang langit na napakaganda at iniisip ang mangyayari sa akademyang iyon, mukang pormal na paaralan pero may itinatago, pinaimbestigahan ko ito sa aking butlers at madami akong nalaman na nagpapatayan para lang sa posisyon at sa di malamang kadahilanan. Napaka misteryoso din kaya napa payag ako ni Zien kahit alam kong mahihirapan akong makalabas at makakuha ng connection mula sa europa at asia sa mga nangyayari pero may device silang pinagawa para macontact ko sila.

Narito na ako sa village nina Zine at bumaba ng makita ko sila sa labas na nag iintay. Jusme mga atat! Sinalubong ako ni Zine at Allyson na nakapamaywang at ang iba naman ay nakanganga hindi ko alam kung bakit.

"whoa, that's your cousin.omg! ganda ng eyes nya" - Vanessa

"Parang Hollywood actress sya ang ganda nya"- Mia

"She is Kiarra, half italian kaya yellow green ang eyes nya and maputi, sya kasi pinakaiingatang anak"- Zien
sinenyasan ko naman si zien na wag muna sabihin na isa akong mafia at queen pa, baka matakot sila sakin.

"Tara na guys excited nako" ani ni jerome na nagtatatalon pa "dyan kami kiarra sa sasakyan mo sasakay ni Vanko sa sasakyan mo ganda e" dagdag pa niya habang namimilog ang mga mata, muka naman sila mayaman pero parang ngayon lang sila nakakita nyan or dahil matagal sila sa H.U ay nakalimutan na nila ang itsura.

"Huy kami din, tayong lahat maliban kay Ace at Zien magsosolo sila e tapos si Ate allyson nakamotor lang tapos susundan natin siya" ani ni dave "yung mga gamit namin nasa kotse ni Ace para di masikip maluwag naman dun sa sasakyan ni Ace dahil dalawa lang sila" tumango nalang ako at pinasakay sila, nasa frontseat ako katabi ng driver ko.

Umalis na kami at sinundan si Allyson, mapupuno ang nadadaanan namin pero deretso lang ang kalsada. May nadaanan kaming masukal na lugar at baka dun ang daan papuntang Special Academy dahil ganon din ang dinaanan nila nung nagpunta sila sa H.U.

Tumigil si Allyson at tumigil na din kami may makipot na daan at baka dun ang daan papuntang S.A, "Queen, Andito na po tayo hindi ko na po kayo maihahatid dahil makipot po ang daan, pero ibababa kona po ang inyong gamit, queen" napatingin naman silang apat sa akin ng tawagin akong queen ng driver ko.

"Normal lang yun sa amin" sabi ko at ngumiti sakanila, Nagsibabaan na kami at umalis na ang driver ko dahil may inuutos pa ako.

"Tulungan na kita," pagsusuhestyon ni matt kaya ko naman pero,kahit alam kong kaya ko pinabuhat ko ang gamit ko para di halatang queen ako.

"Sige" malamig kong sagot.

Nakarating na kami duon at may nakasalubong na matandang lalaki.
"Mag eenroll ba kayo sa S.A?" tanong ng lalaki.

"Yes!" sabay sabay naming sagot.

Binuksan ng lalaki ang gate."Halikayo dadalhin ko kayo sa Admins Office."

Special AcademyWhere stories live. Discover now