Episode 02: Scape
“Mag gagabi na, mahihirapan tayong makipag laban sa mga hayop na ‘yan kapag tuluyan tayong inabutan ng dilim. Ipabukas na lang kaya natin?” tanong ni Aine.
“Panigurado naman may iba pa diyang p’wede nating taguan. Para rin sana maka kuha tayo ng maayos na armas.” Sabi ni James.
“Kinakabahan ako lalo na't ang mga armas natin ay maliliit, hindi tayo sigurado kung makakapatay ba ito ng zombie. Pero tara na dahan dahanin na lang ang pag alis ng harang sa pinto." Sabi ko naman.
“Wait.” Sabi ni Ashley at kinuha ang bag niya at inalis ang mga notebook nito at nilagyan ng mga pagkain.
“Para may makain tayo. Mas maraming tubig ang kinuha ko. Mas kailangan natin ang tubig para may lakas tayo. Nakakahingal tumakbo no.” Sabi niya at tuluyan ng sinakbit ang kaniyang bag.
“‘Wag kayong matakot. Nakakatakot oo pero mas kailangan nating maging matatag at harapin ang mga zombies na ‘yan para mabuhay tayo at para makarating sa kampo. Kapag may nadapang isa tutulong lahat. Hindi natin kilala ang isa’t-isa, hindi tayo sigurado kung may ma traydor pero gawin sana natin ng maayos ito at walang duya.” Sabi ni Ivan na ikinanguso ko. Wala naman atang traydor sa amin, lahat lang naman kami gustong mabuhay at makarating sa kampo. Naalis na ang harang ng 7/11, kaya pumila kami at inihanda ang sarili. Unang lumabas si Ivan pero pumasok rin siya dahil may makakasalubong siyang nag lalakad na zombie pero hindi ito lumingon sa gawi namin at diretsyo lang na nag lakad.
“Sa tingin ko hindi malinaw ang pag tingin nila, pero mag ingat pa rin dahil malakas ang pakiramdam nila.” Sabi ni Ivan kaya iniready ko ang sarili kahit buong pag katao ko ay kinakabahan. Isa isa kaming lumabas at walang ingay na ginawa, successful naman ngunit sadyang nakakapuntangina kalat ang mga hayop na zombie, hindi namin alam kung paano ito tatakasan parang naiihi tuloy ako sa takot.
“Putangina takbo!!” sigaw ni James dahil may putanginang zombie na tumatakbo patungo sa amin kaya lahat kami mabilis na tumakbo kaya ang ending mas marami ang humabol sa amin, dahil pangatlo ako at sina Ivan nasa unahan mas marami na silang nakakalaban. Binato ko naman ang kutsilyo na hawak ko patungo sa isang zombie na papunta kay Ashley.
“S-salamat.” aniya at muli naman kaming tumakbo ng mas mabilis pa.
“Pasok!!” sigaw ng isang lalaki sa isang shop kaya mabilis kaming pumasok papunta doon.
“Who! Putangina muntik na!” Sabi ni James.
“Paano ba tayo narinig?” tanong ko.
“Naka apak ako ng tuyong dahon.” sagot ni Ivan na nag pangiwi sa amin.
“Wala kayong kagat?” tanong ng lalaking nag papasok sa amin at lahat naman kami umiling.
“Akala namin kami na lang ang tao sa Lugar na ito.” sabi pa ng isang babae.
“Woah, magagamit nating armas ang mga espadang ito.” nakangiting sabi ko.
“Ako si Miguel at ito si Bella kapatid ko. Marunong ba kayong gumamit ng espada?”
“Madali lang ‘yan matutonan Kuya. Saka kailan rin naming malaman kung paano gamitin ‘yan para protektahan ang bawat isa.” sagot ni Ivan at tumango naman ako.
“Susugod ba tayo ngayon o ipapabukas natin?” tanong ni Aine.
“Paano tayo susugod kung nasa harap ng shop na ito ang mga zombie?” tanong ni Ashley na nag pabuntong hininga kay Aine.
“May daan sa likod, kaso hindi ako sigurado kung ligtas ba na daan ito.” sabi ni Bella habang ako tinitingnan ang replika sa espada na hawak.
“Hayaan muna nating gumabi. Bukas na lang tayo pumunta sa Kampo, pag nainip ang mga zombie na ‘yan aalis rin ‘yan sa harap.” Ani James sabay tabi sa akin.
“Sa tingin mo may tra-traydor sa atin?” Bulong niya na kinakabit balikat ko.
“Don’t judge the book by its cover. But my rule number one, Don’t trust anyone.” nilapag ko ang espada at pinagmasdan ang mga gutom na zombie. Paano nga ba nag simula ang bagay na ito. Paano nag karoon sa Pilipinas ng zombie?
“Sana pilikula na lang ito.” Ani Aine kaya napatingin naman ako sa kaniya, bakas ang takot sa mukha at mukhang hindi na rin alam kung ano ang gagawin.
“Mag pahinga na muna kayo para may lakas tayo para bukas. Tara sa Kitchen room baka hindi tayo mag malay bigla tayong mapasok.” sumunod kami kay Kuya Miguel, muli naman akong tumingin sa mga zombie napabuntong hininga dahil nasa totoong laban talaga kami.
Nang makaupo naman ako kinuha ko ang cellphone ko at muling tinawagan ang pamilya ko sa probinsya pero hindi sila sumasagot, maski ang kapatid ko hindi rin sumasagot sa mga tawag ko. Nakakapanghina, nakakapang overthink. Pero sana hindi sila naging zombie, sana normal na tao pa rin sila.
“Anong nasa isip mo?” tanong ko kay Aine.
“Ang pamilya ko. Ang kapatid ko. Hindi ko na alam Hamia, natatakot ako na baka pati sila maapektuhan.”
“Hindi tayo sigurado kung hanggang saan o kung saang Lugar pa merong apketado ng ganito pero sana ligtas ang mga pamilya natin. Sana nakatakbo sila, nakatago, kagaya natin.” muli akong bumuntong hininga at hinayaan siyang humiga sa balikat ko.
Kinaumagan, pag katapos namin mag agahan agad kaming nag handa. Malayo pa ang dadayohin namin kaya sana gabayan kami ni Lord at bigyan ng matibay na lakas.
“Saan tayo dadaan? Sa likod o sa harap?” tanong mo Ashley na muling nilalagyan ng pagkain at tubig ang bag.
“Kakapunta ko lang sa harap at hindi pa rin tayo makakadaan dahil may zombie pa na nakatambay doon.” sagot ko.
“Paano kung mas marami sa likod?” tanong niyang muli.
“Mas marami sa harap. Saka matalas naman ang espada niyo tips lang for you Ashley, ‘wag mong bigatan ang dala mo ikaw lang rin ang mahihirapan.” dahil sa sinabi ko muli niyang binawasan ang laman ng bag niya.
“Ready na kayo?” biglang sulpot ni Ivan.
“Saan ka galing?” tanong ni Kuya Miguel kaya muli akong napatingin kay Ivan.
“Tumingin ako sa likod, walang zombie safe tayong makakalabas pero hindi ako sigurado kung hanggang saan tayo safe. Siguro mas kailangan nating kumuha ng sasakyan.” sagot niya.
“Sinong marunong mag drive?” tanong naman ni Aine.
“I can drive, kotse, motor. Pero susi? Or what if nasa kotse ang zombie?” Ani James.
“Kaya nga hahanap tayo ng malinis at maayos at may gasulinang sasakyan. Hindi tayo p'wedeng mag damag makipag laban sa dami ng zombie panigurado isa tayo sa magiging zombie.” sagot naman ni Ivan na ikinatango rin ng iba.
Lahat ba kami magiging survival o may masasawi at tra-traydor sa amin sa Oras ng laban?
A_Bitch_Lady
YOU ARE READING
LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE
Khoa học viễn tưởngPaano kung pag gising mo biglang mag iba ang mundo? Paano kung sa isang kisap mata iba na rin ang kataohan mo? Paano kung ang mga taong nakasanayan mong nakakasalamuha ay hindi na gaya ng dati? I thought, we thought zombies were not real, but they...