ZOMBIE APOCALYPSE 05: SAFE

2 0 0
                                    

Episode 05:

“Hindi tayo pwedeng tumagal dito at alam niyo niyan, mas kailangan nating pumunta sa Kampo para mas maging ligtas tayo,”

“Pero Miguel paano tayo makakaalis kung bawat Lugar na dadaanan natin may mga Zombie? May mga armas oo, pero nakakasiguro ba ang lahat na kaya niyong lumaban kahit mas malakas ang zombie sa inyo? Sigurado ba kayo na walang tra-traydor?” may point rin naman si Mang Rigor pero tama rin naman si Kuya Miguel kailangan naming makarating sa Kampo.

“Kung ayaw niyo pong sumama ayos lang naman pero gusto po naming makarating sa Kampo para mas maging ligtas, kasi pagod na ako sa kakatakbo,” ani Bella habang inaayos ang mga armas na dala niya.

“Tara na habang parating pa lang ang araw.” sabi ni James sabay tingin sa akin, tumango naman ako sa kaniya bago tumayo.

“Kung sakali pong mag bago ang isip niyo, sumunod na lang po kayo sa amin. Salamat po,” malungkot akong tumingin kay Teddy at sa ama nito bago sumunod sa mga kasamahan.

Walang kasiguraduhan kung makaka-abot kaming lahat sa Kampo, pero alam ko rin na hindi kami ligtas sa Lugar na ito. Dalawang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang bagay na ito.

“Kailangan nating mag hanap ng makakakain, wala tayong lakas kung wala tayong kain.” rinig kong sabi ni Ashley.

“Paano kung mas marami ang zombie sa store at mall?” tanong naman ni Aine.

“Wala tayong sapat na kakayahan para lumaban, ni hindi nga ako marunong gumamit ng espada,” dugtong pa nito na bahagya akong nilingon.

“Si Hamia lang ata ang magaling pag dating sa mga armas,” sabi naman ni Bella.

“Marunong rin ako no’,” singit ni James.

“Shh..” napahinto kami sa pag lalakad ng huminto si Ivan.

“Naririnig niyo ba ang naririnig ko?” tanong niya.

“Malamang hindi lang ikaw ang may tenga,” sagot ni Aine sa kaniya.

“Shit! Sa likod mo kuya Migs!” sabi ni Bella kaya napalingon naman kami sa likoran namin at doon kami napakuripas ng takbo dahil may mga zombie na tumatakbo patungo sa amin.

“Shit! Saan na tayo tatakbo nito! Napapaligiran nila tayo!” sabi ni James.

“Hindi natin sila kayang labanan!” sabi naman ni Kuya Miguel at kasabay noon ang putok ng baril kaya napalingon kami sa kaliwang bahagi ng kalsada at doon namin nakita ang isang sasakyan ng sundalo ngunit hindi sundalo ang nag mamaneho rito at hindi rin sundalo ang may hawak ng baril na nag papaputok.

“Sakay dali!” utos ng lalaki na nag mamaneho kaya ang mga kasamahan ko ay dali-daling sumunod sa utos nito habang kami ay nakikipag laban sa mga papalapit sa amin.

“Sumakay ka na Mia!” sigaw sa akin ni James kaya sumunod na ako at ng makita ko ang isa pang baril kinuha ko ito at pinaputokan ang mga zombie na nilalabanan nina James.

“Sakay na dali!!” utos ko sa dalawa habang patuloy pa rin sa pag putok ng baril.

“Humawak kayong mabuti.” utos ng binatang driver at mabilis nga niyang pinaandar ang sasakyan para na rin mabanggan ang mga zombie na harang sa daan.

“Ano ang nangyari?? Bakit kayo ang gumagamit nitong sasakyan ng mga sundalo?” tanong ni James sa isang lalaki.

“Ako si Arthur at siya naman si Mico. Wala na rin naman ang nga sundalong may ari nito, mga naging zombie na rin. Pareho kaming criminology student kaya marunong kaming gumamit nito.” sagot ni Arthur sabay pakita ng baril na hawak niya.

“Hindi kita nakikita sa Law school, paano ka natutong bumaril?” tanong ni Arthur sa akin.

“Talent ko,” kabit balikat na sagot ko sa kaniya. Pare-pareho naming pinagmamasdan ang mga zombie na humahabol sa sasakyan.

“Kailangan natin ng malaking sasakyan. Hindi tayo safe sa ganito. May mga gasolina naman sa ilalim o,” sabi ni Ivan.

“What if truck?” tanong ni Mico kaya napatingin kami sa kaniya.

“Pwede, mataas ang truck hindi agad tayo maaabot ng zombie maliban kung matalino sila,” sabi naman ni Ashley na ikinatango ko.

“Sakto! Ayon o may truck!” sabi ni Bella.

“Paano tayo bababa?? May mga zombie na sumusunod sa atin, saka paano kung ‘di maka akyat ang iba like me hindi ako marunong umakyat sa ganyan,” Ani Ash.

“Mag tutulungan tayo. Kami ni Art babarilin namin bawat zombie na palapit, the other tulungan niyo bawat isa na umakyat,” sabi ko naman na ikinatango nila.

“Dati akong pulis, tutulong ako sa pag baril.” sabat naman ni Tatay Rigor na sumunod sa amin gitna ng pakikipag laban.

“Okay po Tay, ano handa na ba kayo?” tanong ko sa kanila na muli nilang ikinatango.

“Ikaw James and Ivan kapag naka akyat na kayo, ikaw James sa kanan at ikaw naman Ivan sa kaliwa kami ang babaril sa harap.”

“Aye aye Captain!” Ani James sa akin na ikinaerap ko. Nang matapatan namin ang malaking truck na nasa gitna ng kalsa, ang mga babae ay kinuha ang galon ng gasolina at ang ibang armas at ganon rin naman ang ginawa nina Ivan at James habang kami ni Arthur ay agad na nag paulan ng bala sa mga zombie na sunod sunod na tumatakbo patungo sa amin at muntik pa akong mapasigaw sa dahil sa mangha pag dating kay Tatay Rigor dahil bawat putok ng baril niya sapol sa ulo ng zombie napaka galing!

“Atras! Atras!” sigaw ni Arthur sa amin kaya umatras ako papunta sa truck.

“Akyat na kayo ako na ang bahala rito!” utos ni Tatay Rigor at tumago naman kami sa kaniya ni Art.

“Tay tara na po!” sabi ko kay Tatay Rigor at ganon rin ang ginawa ni Teddy. Inabot namin ang kamay ni Tatay habang sina James ay tuloy na bumabaril sa palapit na Zombi hanggang sa tuluyan na naming maakyat si Tatay Rigor.

“Shit! Ang cool niyo Tatay!” sabi ni Bella at ni Ash na ikinangiti ko rin. Sa ngayon masasabi naming ligtas kami pero hindi pa rin ito sigurado, marami pa kaming Lugar na pag dadaanan, marami pa kaming pwedeng makalaban na zombie. Ngunit oo nga ligtas kami ngayon sa sinasakyan namin ngunit paano kami makakaligtas ng ayos kung wala kaming maayos na kain?

“Makaka survive tayong lahat. Makakarating tayo sa Kampo ng lahat ay buhay.” Sabi ni Ivan at nag katitigan naman kami kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango naman siya sa akin. Sana nga, sana nga ay lahat kami makarating ng buo sa Kampo.



   

LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE Where stories live. Discover now