EPISODE 06: Sacrifice
Ashley Molina POV
Hanggang kailan kami lalaban o tatakbo? Ilang tao pa ang dadagdag sa amin? Kailan kami makakarating sa Kampo?
“Wala na tayong makakain mamayang gabi, kailangan nating humanap ng makakain,” Sabi ni Aine habang nakatingin kay Hamia. Isa pa ito sa naiisip ko, paano kami lalaban kung gutom kami.
“Alam niyong hindi agad tayo makakababa dahil habang umaandar ang sasakyan na ito susunod at susunod sa atin ang mga zombie na iyan,” sagot naman ni Hamia at tama rin naman siya.
“Paano tayo makakakain? Paano tayo lalaban kung lahat tayo mahina?” tanong pa ni Aine, halatang pinang hihinaan na rin ng loob.
“Gagawan natin ng paraan, kailangan rin kasi nating mag ipon ng Gasolina, pero sa ngayon mag pahinga muna tayo.” napabuntong hininga na lang ako at pumikit, inaalala ang dating kalagayan ng Lugar.
“Mukhang wala na sa ating sumusunod na zombie, parang wala ring zombie sa Lugar na ito..” sabi ni Tatay Rigor na nakatayo kaya tumayo rin ang iba kaya tumayo na rin ako at tumingin sa palagid at tama nga siya.
“Hindi pa rin tayo nakaka siguro na wala talagang zombie rito, kailangan pa rin nating maging alerto.” binuksan ni Art ang maliit na bintana kung saan makikita namin ang driver at sinabihan niya si Mico na ihinto sa may maliit na market na nakikita namin.
“What if may zombie rin diyan?” tanong ko.
“Kaya nga maging alerto kayo at e ready ang sarili sa pakikipag laban.” walang ganang sagot ni Hamia, nang tuluyang huminto ang sinasakyan agad namang humarap sa amin si James.
“Sino ang sasama sa amin sa pag tulong sa pag kuha ng pag kain?” tanong nito.
“Ako, sasama ako,” sagot ni Ivan, gusto ko mang tumulong pero baka maging pabigat lang ako kaya umupo na lang ulit ako at hinayaan silang mag plano.
“O baril baka kailangan niyo ng extra,” ani Art na nag paiwan para ma protektahan ang iba pang narito sa truck.
Hamia POV
Habang pinag mamasdan namin ang loob ng maliit na market hindi ko alam kung bakit hindi ako makampanti, siguro ay normal na lang para sa amin ang huwag makampanti dahil sa kalagayan ng bansa pero hindi pa rin ako sanay na ganito ang nararamdaman kahit paulit-ulit ko ng isinabi sa aking sarili na hindi na katulad ng dati ang mundo.
“Papasok na muna ako, sumunod kayo kapag nag taas ako ng kamay,” Ani Ivan at tumango naman kami sa kaniya. Tumingin kami sa truck na pinag sasakyan namin kanina at nag katinginan naman kami ni Ashley at maliit naman siyang ngumiti sa akin na ikinatango ko.
“Tara na.” Aya ni James kaya sumunod na ako sa kanila sa loob at binuksan ang bag na pag lalagyan ng pag kain. More on delata at tubig ang kinuha namin, kung kukuha kami ng bigas wala kaming pag lulutuan.
“Okay na siguro ito, lahat naman ng bag natin ay puno na ng mga pag kain at tubig.” sabi ni Tatay Rigor kaya tumigil na kami sa pag kuha ng pag kain at nag lakad na para makalabas ng market pero hindi pa kami nakakalapit ng tuluyan sa pinto may narinig na kaming mahinang growl kaya lahat kami napatingin sa likoran namin at nakita namin doon ang dalawang zombie na nag lalaway at nakatingin sa amin.
“Labas na Mia!” utos ni James na sinunod ko agad at pag labas ko naman ng market dalawang putok ng baril ang narinig ko.
“Fúck Hamia dali!!” sigaw ni Ashley mula sa taas ng truck, tumingin ako sa likod ko at nakita ko doon ang mga zombie na tumatakbo patungo sa p'westo namin.
“Ivan! Dalian niyo na!” sigaw ko at muling tumakbo. Tinulungan naman ako nina Aine na kuhanin ang dala ko at nang tuluyan akong maka akyat sa truck kinuha ko na ang baril ko para mag paputok.
“James dalian mo na!!” rinig kong sigaw ni Ivan habang nag papaputok rin, ang gagong James kasi nadapa pa sa pag takbo niya!
“Umakyat na kayo dalian niyo!” sigaw ni Tatay Rigor habang patuloy sa pag baril. Sinunod naman siya ng dalawa at isang masamang tingin naman ang binigay ko kay James ng mag katinginan kami.
“Tay! Akyat na!” sigaw ni Teddy.
“Teddy, mag pakatatag ka tandaan mo palagi na mahal na mahal kita!” sigaw ni Tatay Rigor at nag katinginan naman kami ni Teddy.
“Tay Rigor umakyat ka na po!” sigaw ko naman habang nag papaputok pa rin, nag paandar na ng engine si Mico na agad na sinigawan ni Teddy na wag munang umalis.
“Tay tara na!” sigaw ulit ni Teddy, tumigil sa pag babaril si Tatay at lumingon sa amin lalo na kay Teddy sabay ngiti.
“Mahal ka namin ng nanay mo anak.” hindi ko alam kung bakit ang sakit, kung bakit ganon, kahit hindi ko kaano-ano si Tatay naiyak ako sa sinabi niya para kay Teddy, wala na kaming nagawa at magagawa, choice na ni Tatay na mag paiwan at e sacrifice ang sarili niya para hindi kami habulin ng zombie, hindi rin namin mapataha si Teddy dahil kahit ako hindi ko mapapataha ang sarili ko lalo na’t harap harapan naming nakita kung paano kainin ng mga zombie si Tatay Rigor.
Puno ng katahimikan, nakatulog si Teddy gawa ng iyak niya. Hindi namin alam kung ano ang nasa utak niya ngayon, kung mag tra-traydor ba siya o mananatili siyang totoo sa grupo. Wala namang may gusto ng nangyari ngunit alam ko na kami ang sinisisi niya kaya hindi rin namin alam kung paano siya e co-comfort.
“Kumain na tayo.” Aya ko sa kanila.
“Mabubusog kaya tayo na puro ulam lang?” tanong ni Bella.
“Saan tayo luluto ng kanin kung kumuha kami ng bigas?” balik na tanong ni Ivan.
“Pansamantala lang naman ito Bella. Kapag nakarating na tayo sa Kampo makakakain na rin tayo ng kanin.” mahinahon na sabi ko sa bata.
“Kailan pa? Kailan tayo makaka punta sa Kampo?” tanong nito.
“Sa tingin mo ba madaling mag byahe patungo sa Lugar na iyon? Kung noon pwedeng makarating agad tayo sa Kampo pero ngayon puro harang ang daan, hindi basta tao lang ang kinakalaban natin dito,” sagot ko sa kaniya na ikinailing na lang niya.
“Pare-pareho tayong may katanongan, pare-pareho tayong gustong makarating agad sa Kampo ‘wag na mag talo, lalo na kung hindi naman makakatulong sa kalagayan natin ngayon.” mariing sabi ni Ivan habang binubuksan ang delata niyang ulam. Isang buntong hininga na lamang ang nagawa ko, pagod para sa Araw na ito. Awang awa hindi lamang sa sarili kundi sa mga kasamahan ko.
YOU ARE READING
LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE
Fiksi IlmiahPaano kung pag gising mo biglang mag iba ang mundo? Paano kung sa isang kisap mata iba na rin ang kataohan mo? Paano kung ang mga taong nakasanayan mong nakakasalamuha ay hindi na gaya ng dati? I thought, we thought zombies were not real, but they...