ZOMBIE APOCALYPSE 01: START

7 0 0
                                    

©2024 Prrty_mishea

All Rights Reserved

Plagiarism is a damn crime punishable by the law!!

————————

Episode 01: Start

Bakit parang kanina pa ako nakakarinig ng ingay? Ano ba naman 'yan gusto ko pang matulog pero ang ingay ingay sa labas ng bahay. Sigaw ng sigaw may ilan namang humihingi ng tulong. Wait! Humihingi ng tulong? Bakit ano ba kasing meron? Wala naman atang sunog ah? Bumangon ako at sumilip sa bintana pero mga nag tatakbohang kapitbahay lang ang nakikita ko na ikinataka ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa bago lumabas ng kwarto at tingnan ang nangyayari sa labas.

"Takbo! Tumakbo na kayo!" sigaw ni Aleng Bebang na ikinakunot pa lalo ng noo ko. Nag lakad pa ako para malaman kung anong nangyayari pero nabigla ako ng biglang may tumakbo papunta sa tumatakbong tao at kinagat ito sa leeg. Bakit niya kinagat sa leeg si Kuya Romel? Bakit ang daming taong tumatakbo at tila natataranta?

"Takbo! Takbo na bata!" sigaw ng lalake na nasa mata at mukha ang takot. Nabigla naman ako ng tumingin sa akin ang isang lalakeng puro dugo ang bibig sabay takbo patungo sa akin pero ganon na lang ang gulat ko ng may natumbang lalaki sa harap nito kaya ito ang binalingan nito ng pansin.

Nakatayo at tulala. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon kasabay ng takot at pag tataka sa nangyayari sa kapaligiran. Tumatakbong mga tao, mga taong kinakagat at kinakain ang kapwa nila tao. Anong nangyayari? Bakit ang ingay? Bakit ang usok? Bakit nila kinakagat ang kapwa nila? Anong meron? Bakit inuutusan nila akong tumakbo? Ano itong mga nakikita ko? Nasa loob ba ako ng panaginip?

"Takbo! Bata tumakbo ka na!" sigaw sa akin ng isang lalake habang tumatakbo kaya kasunod niya tumakbo na rin ako.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko na nag tataka pa rin. Kagigising ko lang tapos ganitong klaseng pangyayari ang makikita ko asan ang hustisya?

"Hindi ko rin alam! Tumakbo ka na lang at iligtas ang buhay mo!" sigaw niya pabalik sabay iwas sa motor na nakatumba. May hula ako sa nangyayari ngayon pero parang imposible naman, sa k-drama lang at sa pelekula lang meron non!

"Ate sakay!" Sabi ng isang  lalaki na naka motor kaya umangkas ako ng walang pag aalinlangan.

"Ano bang nangyayari?!" sigaw na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko rin alam pero kagaya sa mga napapanood ko o if ever na napanood mo na rin parang ito 'yun. Train to busan ba? 'yung mga zombie ganon!" balik na sigaw niya sa akin na mas ikinamura ko. Tama nga ang hinala ko pero paano nag karoon ng zombie sa pinas?! Ito na ba 'yung sinasabing ang mga imposible ay posible?

"Putangina!" parehong mura namin dahil may zombie sa harap namin putcha! Ba't ang malas ng Pilipinas ngayon?!

"Baba dali!" sigaw niyang utos na agad kong sinunod at nakitakbo na.

"Dito tayo!" muling utos niya sabay pasok sa isang 7/11 store at sinara ito.

"Zombie ba kayo o hindi?" tanong ko ng makitang may mga tao rin sa loob.

"Tao kami wala kaming kagat, kayo?" tanong pabalik ng isang babae. Pareho kaming umiling at hinarangan ng mabigat na bagay ang pinto.

"Dito tayo sa loob ng stuff room makikita rin naman natin ang labas." Sabi pa ng isang tao.

"Hindi ko inaasahan 'to. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang bagay na ito. Tangina zombie ba talaga ang mga 'yun?" tanong pa ng isang babae at lahat naman kami sinagot na oo.

"I'm Hamia." pakilala ko sa kanila, nauna na ako dahil mukhang wala silang balak mag pakilala.

"Ashley." Sabi no'ng unang babaeng nag salita kanina.

"I'm Ivan." Sabi ng isang lalakeng mukhang babaero.

"Aine ako." Sabi ng babaeng naka school uniform pa.

"Ako si James." Sabi naman ng nakasama ko kanina habang tumatakbo.

Bawat tanong sa aming mga utak, Paano ito nangyari? Paano namin sila lalabanan? Tatakbo na lang ba kami para lang maligtas ang sarili namin o mag tatago sa Lugar na ito at hintayin ang sasabihin ng gobyerno?

"Speaking of gobyerno." Sabi ni Aine sabay labas ng cellphone niya.

"Meron akong access sa government wait check ko kung anong meron." dugtong niya pero kasabay noon ang pag salita ng isang lalake sa speaker sa labas ng 7/11.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Kung sino man, at kung meron man na nabubuhay pa diyan, kung isa ka mang survival sa hindi mapaliwanag na nangyayari ngayon sa paligid natin, pumunta kayo ngayon sa kampo, andoon ang ating mga kasundalohan at mga kapulisan, may ilan nang grupo ang nag hahanap ng mga makakaligtas ngunit karamihan na rin ay ang mga nasawi. Uulitin ko, sa kampo. Mag iingat kayong lahat." lahat kami napatulala sa narinig namin.

"Base sa napapansin ko, movement and sound. 'yun ang kakayahan ng mga hayop na 'yan. Lumikha ka ng ingay patay ka, makita kang buhay mas patay ka. Kailan nating pumunta sa Kampo. Hindi tayo ligtas sa Lugar na ito." Sabi ni Ivan.

"Kahit wala kang ingay na gawin kung may makita silang kakaibang galaw  patay ka pa rin." kabit balikat na sabi ko na ikinatingin nila.

"Kaya sa Oras na mapansin nila ang gawa o galaw natin lalabanan natin sila at mas maigi na tumakbo ng mabilis." Sabi naman ni James.

"Paano kung mag kahiwa hiwalay tayo?" tanong ni Ashely.

"As long na walang duwag sa inyo at nakikipag operation walang mahihiwalay sa atin. We don't know each other but we need to stay together and help each other." Sabi ni Ivan at nag katingin naman kami kaya tinaasan ko siya ng kilay. Same ang uniform namin mukhang same university rin kami ng pinapasukan pero never ko siyang nakita o napansin.

"Paano natin sila lalabanan kung wala tayong armas?" tanong ni Aine.

"Ede gumawa o humanap." sagot ko naman. Sumilip si James sa bintana ng kwarto na ito at mukhang sinisilip ang labas.

"Wala pa namang nakakapasok. Mukhang meron sa counter ng mga matatalas na bagay na pang patay sa mga zombie na 'yan." Sabi niya na hindi nakatingin sa amin. Lumabas kaming lahat at nag hanap ng magagamit naming sandata at habang nakatingin sa labas ng 7/11 andon ang takot at kaba na baka bigla silang pumasok at basagin ang pintuan pero mas matimbang sa akin ang awa sa batang kinakain ngayon ng zombie.

"Sa tingin niyo matalino ang zombie? Base kasi sa napapanood ko may matalino at bobong zombie ano sa tingin niyo?" tanong ko sa kanila at kinatok naman ng tatlong beses ni Ivan ang tabi ng pinto kung saan may nakatayong zombie at ang naging reaction naman ng zombie ay kinakagat ang salamin.

"Bobo na aggressive." sagot niya na ikinangiwi ko.

"May kutsilyo akong nakita at may itak rin dito." Sabi ni James at pinakita sa amin ang mga gamit.

"Ready ba kayong pumatay?" tanong ni Ivan sa amin. Feeling ko tuloy cool siya sa pag sabi niyang ganon o pa cool? Nah.

"I can kill for my life. Tutal hindi naman na tao 'yan e it's not against of the law na." sagot ko at kinuha ang binigay ni James na kutsilyo.

"Take note magaling ako sa pag hawak ng kutsilyo." dugtong ko pa na ikinangiti lang ng dalawang babae.

Kakaiba na ang Lugar namin, hindi kami sigurado kung alin pang Lugar o bansa ang apektado. Pero isa lang ang kailangan naming gawin. Labanan ang mga halimaw sa labas para maligtas ang sarili at ang bawat isa.




LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE Where stories live. Discover now