ZOMBIE APOCALYPSE 04: SURVIVE

3 0 0
                                    

Episode 04: Survive


“Malapit na tayo, pero hindi ako sigurado kung ligtas ba doon. Underground ‘yun ng mga Gang.”

“Why? Gang ka?” tanong ko kay Ivan.

“It’s none of your business.” sagot nito sa akin na ikinaerap ko na lang. Ang sungit hindi bagay sa kaniya! But of course maybe he is alam nga niyang underground e.

“Sumakto lang, ubos na Gasolina ko, mukhang nakalayo naman agad tayo sa mga zombie.” Sabi ni Ivan habang inaalis ang set belt niya. Wala akong nakikitang Zombie sa paligid marahil ay nasa ibang p'westo ang mga ito.

“Mukhang ligtas pa tayo sa Lugar na ‘to wala akong nakikitang halimaw.” Ani Aine.

“E ready niyo pa rin ang sarili niyo. Mas mabuti kung handa tayo.” Sabi ko naman sa kanila.

“Let’s go. Maging alerto kayo.” Aya ni Ivan at naunang lumabas ng sasakyan niya. Sumunod naman ako at ganon rin ang iba. Umaga pa lang pero ang dilim na ng paligid, puro usok, halos wala akong makitang tao na nag lalakad. Noon ganitong oras marami na ang skwela, marami na ang palaboy laboy sa daan pero ngayon kakaiba. Hindi ako sanay na makitang ganito ang paligid. Paulit-ulit na tanong ang palaging sumasagi sa isip ko, paano ito nangyari? Paano ito nag simula? Sino ang unang naging zombie? At sino ang una nitong inatake?

Dahan dahan na pag lalakad ang ginagawa namin, pinag dadasal na sana hindi lang kami ang nakaligtas, hindi lang kami ang survivor sana meron pang ibang tao na tumatago sa kanilang Bahay o kung saang sulok.

“Mukhang walang zombie dito, halatang tago nga.” Sabi ni James.

“Pero hindi tayo p’wedeng manatili sa Lugar na ito.” Sabi naman ni Kuya Miguel.

“Andito na tayo, pero natatakot akong buksan dahil baka andito sa loob ang mga zombie,” Sabi ni Ivan na halata nga sa mukha ang pagiging kabado.

“Kumatok ka kaya muna?” tanong ni James na agad rin namang sinunod ni Ivan, napa atras pa kami ng sunod sunod na kalabog ang marinig namin mula sa loob.

“Tangina hindi tayo ligtas, balik sa taas!” mahinang usal ni Ivan na sinunod rin namin agad pero kapag minamalas ka nga naman talaga may mga zombie na sa kalsada!

“Anong gagawin natin?” mahinang bulong ko. Kitang kita sa mukha ng mga kasamahan ko ang takot, sino ba namang hindi matatakot mukhang mapapalaban na naman kami? Mga growl ng zombie ang tanging ingay na naririnig, hindi na gaya dati na daldalan ng mga mag kakaibigan, ng mga panadero at panadera o kaya’y tunog ng sasakyan.

“Sumunod kayo sa akin.” muli kaming bumaba para sundan si Ivan, may isang maliit na eskinita pa kaming dinaan at pag dungaw ko naman may kalsada sa dulo.

“Baka pati diyan tambak ang zombie?” tanong ko.

“Kaya nga mag handa at maging alerto kayo,” sagot ni Ivan, ewan ko ba sa lalaking ‘to nonchalant.

“Psst!” napahinto kaming lahat ng may may sit-sit sa amin.

“Pst!” napatingala kami dahil doon nang galing ang sit-sit at doon naman namin nakita ang isang matandang lalaki.

“May zombie diyan,” mahinang usal nito kaya nag katinginan naman kami, maya maya lang rin ay may ibinaba siyang hagdan, kaya pinauna na naming paakyatin sina Aine at Bella.

“Guys..” mahinang sabi ni Ashley kaya ng tumingin kami sa kaniya nakatingin siya sa kanang bahagi namin at doon naman kumalabog ang puso ko dahil may tatlong zombie doon na nakatayo tila ba pinagmamasdan kami. Hinila ni Ivan si Ashley at hinudyatan na tumaas na, kaso sa kamalasan nahulog ang plastic bottle ng tubig dahilan kung bakit ito lumikha ng ingay.

“Putangina akyat na bilis!!” inis na sigaw ko at hinanda ang sarili sa pakikipag laban.

Mabilis na tumakbo ang mga zombie patungo sa amin, pumaikot ako para masaksak ang lalaking zombie sabay pugot ng ulo nito gamit ang isa pang espada sabay hugot ng mga armas.

“Umakyat ka na kami ng bahala sa dalawang ito.” tumango ako sa kanilang dalawa bago tuluyang umakyat at sakto namang pag akyat ko tuluyan na rin nilang napatay ang dalawang zombie.

“Next time ‘wag kang mag lalakay ng kahit anong gamit sa mga bulsa ng bag.” mariing sabi ni Ivan at tanging sorry naman ang ibinigay ni Ash.

“Akala ko kami na lang ng anak ko ang buhay. Ako nga pala si Rigor at ito naman ang anak ko si Teddy,” sabi ng matandang lalaki habang buhat ang hagdan.

“Mabuti po at ligtas kayo,” sabi ni James.

“Nakakabaliw, para tayong nasa isang pelekula ngunit paano nga kaya ito nag simula?” tanong ng matanda.

“Wala pa pong nakaka alam pero ang dapat na tanong ano ang ginagawa ng Gobyerno? May ginagawa ba ang Gobyerno?” walang ganang tanong ko sa lahat.

“Meron pa, paano tayo makakaligtas sa Apocalypse na ito? Hanggang kailan tayo tatakbo para sa buhay natin?” tanong ni Aine.

“Hangga’t kayang mabuhay, hangga’t may rason para mabuhay lumaban kayo, ‘wag kayong susuko kahit para sa mga pamilya na lang natin na hindi tayo sigurado kung ligtas ba o kung kagaya na sila ng mga Zombie na nasa ibaba.” sagot ni Ivan na kinabuntong hininga ko.

Pagod na ang lahat, pagod ng tumakbo, Isang araw at may kalahati pa lang pero ramdam na ramdam ko na ang pag kapagod, sinabayan pa ng gutom at uhaw dahil hindi na sapat ang pag kain na dala namin dahil dumami kami.

“I hope you’re okay,” ani James sabay upo sa tabi ko.

“Hindi ko alam, ni hindi ko nga alam kung paano pa magiging okay e, lalo na’t wala akong idea kung anong kalagayan ng pamilya ko, natatakot na ako, hindi ko alam kung paano na ang buhay ko kung sakaling kagaya na rin sila ng mga Zombie,” mahinang sagot ko na sinabayan ng buntong hininga.

“Pare-pareho lang naman tayo, kaya nga kailangan nating lumaban, we need to survive this para malaman natin kung may uuwian paba tayo after this apocalypse. Hamia promise me na ‘wag kang susuko kahit maging zombie man ako.” okay na sana ang sinabi niya pero dahil sa dulong linya niya natawa ako.

“The heck Gar, kahit hindi ka maging Zombie lalaban ako!” dahil naman sa sagot ko pareho kaming natawa.

“Kidding aside but please be a Survivor, be One of those Survivor.” ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.

“We will be a survivor.”




LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE Where stories live. Discover now