ZOMBIE APOCALYPSE 03: RUN

4 0 0
                                    

Episode 03: Run



“Tangina kinakabahan ako.” rinig kong sabi ni Bella. Successful kaming nakalabas sa shop, bitbit ang mga espada at iba pang bagay.

“Next time kapag nakapasok tayo sa isang mall dapat mag palit tayo ng kumportableng mga kasuotan.” Sabi ni Ashely.

“Nanakaw tayo?” tanong ni Aine.

“Duh, nasa crisis tayo girl, mag bayad ka kung gusto mo.” bahagya akong natawa sa sinagot ni Ashley.

“Shh, tumahimik nga kayo.” mahinang saway ni Ivan.

“Okay ka lang?” tanong ni James sa akin na ikinatango ko.

“Sabi may mga pulis bakit hanggang ngayon naman ay wala akong nakikitang pulis?” Ani kuya Miguel.

“Baka naging Zombie na rin.” kabit balikat na sagot ko. Napahinto kaming lahat ng may dumaan na zombie sa labas ng eskinita, kinabahan ng subra-subra ang puso ko ng huminto ito tila ba nakaramdan na may tao.

“Fuck!” mahinang mura ni James na agad kong tiningnan ng masama. Halos pigil hininga ang ginagawa ko at panigurado ganon rin ang mga kasamahan ko hinanda ko pa rin ang sarili dahil baka bigla kaming mapalaban. Nang humarap ito sa gawi namin sininyasan kami ni Ivan na tumahimik, dahan dahang lumakad papasok sa papunta sa amin ang Zombie nakita ko naman na hinanda ni Ivan ang espada niya pero kinuha ko ang kutsilyo na nasa kanang binti ko at pinalipad ito papunta sa noo ng Zombie at napangiti ako ng sumakto ito sa pinakagitnang noo, lahat naman sila tumingin sa akin ng bumagsak ang Zombie.

“Nice kill.”napangisi naman ako dahil sa sinabi ni James sa akin. Muli kaming dumeretsyo sa pag lalakad at nang makalabas sa eskinita napangiwi ako sa rami ng zombie. Sininyasan naman kami ni Ivan na bumalik sa loob ng eskinata na agad rin naming sinunod.

“Kaya niyo bang tumakbo?” mahinang tanong niya.

“Ede maririnig nila tayo.” sagot ko.

“Mauuna ako, sa akin ang kotseng pula doon sa may hardware ito ang susi non. Kapag umandar na at malapit na dito tatakbo kayo papunta sa akin. Okay ba?” explain niya.

“Paano kung mamatay ka habang kinukuha ang kotse mo?” tanong naman ni Bella.

“Sasama ako. Back up lang.” sagot ko sa kaniya at tinaasan naman niya ako ng kilay.

“Magaling ako makipag spadahan. I’m a nice fighter.” sagot ko sabay kindat na agad niyang ikinatango. Dahan dahan naman kaming nag lakad papunta sa may hardware at tama nga siya may pulang kotse nga, nasa likoran namin ang zombie hindi nila kami naamoy pero isang maling galaw lang patay kami.

“Paano tayo lalapit sa pinto kung may nakaharang?” mahinang tanong ko na hindi naman niya sinagot, muli akong tumingin sa likoran ko at mga nakatayong zombie pa rin ang nakikita ko. Huminto Ivan kaya huminto rin ako malapit na kami sa kotse niya kaya nag taka ako kung bakit siya huminto.

“Sa likod tayo dadaan kaya mo?” tumango ako sa tanong niya at nidali dali namin ang pag lalakad pero siniguro pa rin na wala kaming ingay na magagawa. Nang makalapit na kami sa kotse niya dahan dahang binuksan ni Ivan ang Back door pero sa katangahan biglang nag ingay ito dahilan kung bakit tumakbo patungo sa amin ang mga zombie kaya dali dali rin kaming pumasok.

“Gago paano na tayo makaka andar nito kung napapalibutan tayo?” Sabi ko sa kaniya.

“Ede sagasaan sila?” patanong na sagot niya at sinimulan ng ipaandar ang sasakyan patalikod. Tulad naman ng inaasahan mas dumami ang mga zombie na nag hahabol sa amin tumingin naman ako sa hulihan at nakita ko ang mga kasamahan na naka handa para sa pakikipag laban.

“Kakayanin kaya nilang pumasok?” tanong ko, kinakabahan para sa kanila.

“Kung gusto nilang mabuhay, kayanin nila.” napangiwi na lang ako sa sinagot niya, maya maya rin ay agad niyang binilisan ang paandar patungo sa skeneta habang ang mga kasama namin nakikipag sapalaran na.

“Sakay!!” sigaw ni Ivan at agad namang binuksan ni Ashley ang pinto ng sasakyan at isa isa na silang pumasok na kinatuwa ko dahil naging successful ang Plano.

“Wala ba sa inyong nakagat?” tanong ko at umiling naman sila. Pinagmasdan ko silang lahat at kitang kita ang mansya na nasa damit nila, tumingin ako sa mga Zombie na nakapaligid sa amin, hindi na pula ang dugo ng mga ito kundi berde pero paano ba ito nag simula? Halos isang Araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Patuloy pa rin kaming hinahabol ng mga zombie maaaring dahil alam nila na gumagalaw ang sasakyan na sinasakyan namin sinabayan pa ng ingay ng pag harorot. Bawat dinadaanan namin ay may mga tumba at gibang sasakyan, ‘yung iba ay halatang sumabog na dahil sa usok na lumalabas mula doon ngunit ni isang sasakyan ng pulis ay wala kaming makita, siguro ay hindi pa nagagawi sa Lugar na ito.

“Masyado pang malayo ang lalakbayin natin para makapunta sa Kampo. Kailangan natin ng Gasolina, pag kain at sa bawat pag kuha natin noon, makikipag laban tayo sa mga halimaw na nasa labas.” napa buntong hininga ako dahil sa sinabi ni Kuya Miguel.

“Base sa mga napapanood ko, hindi tayo ligtas sa mall. Sa mga napapanood ko palaging sa mall ang maraming zombie kaya hanggat maaari mall ang iiwasan nating Lugar.” Sabi ni Ashley at lahat naman nag agree sa kaniya.

“Tangina kanina pa ako na jejebs!” Ani Aine.

“Gusto mong mag Cr?” tanong ni Ivan kaya napatingin ako sa lalaking nag mamaneho.

“Hindi. Hindi ko alam baka hindi ligtas kaya ko pa namang mag tiis.”

“Malapit na akong maubosan ng Gasolina, tangina kapag minamalas ka naman talaga o!” Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa sinabi niya kaya ang labas nito babalik kami sa dating gawi, tatakbo para sa buhay namin. Makikipag laban sa mga Halimaw para sa buhay namin.

“Sa tingin mo saan tayo hihinto?” tanong ko.

“Hindi ako sigurado pero sana sa ligtas na lugar.” sagot nito, hinanda ko na lamang ang sandata ko at pinagmasdan ang mga zombie na sumusunod sa amin.

“Tangina hindi ba napapagod ang mga hayop na zombie sa kakabahol sa atin?!” Ani Aine habang nakatingin sa likod ng sasakyan.

“Baka masira ang salamin ng kotse mo sa Oras na palibutan tayo.” Sabi naman ni Kuya Miguel, ewan ko kung bakit ako kinakabahan pero tangina ayaw ko pang mamatay!

“Hindi naman po ‘yan, plastic naman ang salamin sana nga lang ay mag tibay, panigurado naman kung sakaling palibutan tayo, lalayas din ang mga ‘yun sa Oras na walang mapala sa atin.” sagot ni Ivan.

“Kailangan nating may mapasabog na sasakyan para masunog ang mga sumusunod sa atin sa likod.” Sabi ni Bella, ‘yun rin ang kanina ko pa iniisip buti na lang ay naisabi niya.

“Kung gagawin natin ‘yan sasakyan ko ang mapupurohan maaaring bumaligtad tayo. Hindi nga tayo mamamatay sa kagat ng zombie, mamamatay naman tayo sa aksedente. Kumapit kayo ma speed ako alam ko na kung saan tayo bababa.” tulad ng sinabi niya sumunod kami, tulad no'ng unang bayan na napuntahan namin magulo na rin dito sa dinaanan namin, may mga sanggol rin akong nakitang naging zombie.

“O my god! Ayon pulis!” sigaw ni Aine.

“Hindi mo sure. Baka naging zombie na rin ‘yan.” Sabi ni James.

“Tingnan pa rin natin.” Sabi ni Ashley.

“Risky masyado. Tama si James baka ang mga pulis na nag punta dito ay naging zombie pero kung sakali man kailangan natin makakuha ng baril.” sagot ni Ivan.

“Marunong ako bumaril, pulis tatay ko, crim naman ako kaya tama si Ivan, mas maigi pa rin kung may mas matibay tayong armas.” sagot ni James.

“Hindi pa rin sapat ‘yun kung kulang sa bala, mas kailangan nating kuhanin ang bomba.” muling sabi ni Ivan na ikinatango namin. We’re running to save our lives, pero hanggang kailan? Nasaan na ang mga sundalo at pulis na sinasabi ng gobyerno? Nasan ang lunas? Nasaan ang vaccine? Ngunit may vaccine ba? sinong scientist sa Pilipinas ang gagawa noon? Aling bansa ang tutulong sa Pilipinas ngayon?

A_Bitch_Lady

LIVE OR DIE: ZOMBIE APOCALYPSE Where stories live. Discover now