Sometimes, life gets harder to some. It may be lessen if get help from people to make it a little bit easier.
...Kinaumagahan, nagising ako sa tawag ni Inay.
"Lora? Lora! Gising na." Ramdam ko ang saya sa boses ni Inay.
"Po, Nay?" Tanong ko, ang boses ko halatang antok pa.
"Labas ka, hinahanap ka nung isa sa tauhan ni Mr. Tuazon." Maligaya niyang sabi.
"Mag-aayos lang po ako sandali, Nay. Bakit po, anong kailangan?" Nagtanong ako, medyo naguguluhan.
"Hindi niya sinabi, basta lumabas ka na lang," utos niya.
Nag-ayos muna ako ng higaan at nagsuklay ng buhok. Hindi na ako nakapaghilamos, medyo nahihiya akong lumabas ng ganito. Hinawakan ko ang mukha ko at sinigurado kung may muta pa. Paglabas ko, isang lalaki na naka-itim na suit ang nakita ko.
"Ako po si Lora, hinahanap niyo po ako?" Tanong ko, medyo kabado.
Binigyan niya ako ng sobre na may nakalagay na "Tuazon Corporation." Binuksan ko ito, at nakita ko na isa ako sa mga estudyanteng iisponsoran nila para sa kolehiyo.
Napatingin ako sa lalaki. Walang pagbabago ang ekspresyon ng mukha niya, pero ramdam ko ang kaba ko at ang saya nang magpasalamat ako sa oportunidad.
Lumapit si Inay at agad ko sinabi ang laman ng sobre. Kita ang saya sa mukha niya.
"Huwag mong kalimutan, Lora. Ito na ang pagkakataon mo para tuparin ang pangarap mo," wika niya.
Habang binabasa ko ang mga dokumento sa loob, nakita ko ang pangalan ng eskwelahan: Lowell University. Nanlaki ang mga mata ko. Ni hindi ko naisip na makakapag-aral ako sa ganoong eskwelahan.
Pagkatapos ng umagang iyon, nagpunta ako sa tubuhan upang magdala ng meryenda kay Itay at sa mga trabahador. May dala akong basket na may tinapay at inumin.
Nang makarating ako sa kubo, nagtipon-tipon ang mga kalalakihan at nagsimulang kumain. Minsan naiisip ko kung paano nila nakakasurvive sa ganitong buhay, pero naaalala ko ang sinabi ni Itay: "Mas mahalaga ang kasiyahan at pagmamahal sa mga simpleng bagay, kaysa sa mga materyal na bagay." Dahil dito, natutuwa ako sa kanilang kaligayahan. Ngunit sa sarili ko, nais ko pa ring matulungan sila, lalo na ang magulang ko, sa mga bagay na hindi nila naranasan noon. Kaya magsisipag-aral ako nang mabuti para sa kanila.
Kinahapunan, nagbalik ako sa trabaho. Nagsabi ako kay Linda tungkol sa scholarship. Sobrang saya niya para sa akin, at hindi ko na napigilan ang pagtawa sa kanyang reaksyon.
"Pano yan, baka mag-resign ka na?" tanong niya.
"Hindi, makikiusap na lang ako na makapag-adjust sa schedule ko," sagot ko. Hindi ko naman kayang iwanan ang trabaho. Marami kaming gastusin, at hindi ko pwedeng ipagkatiwala lahat sa scholarship. Ang gastos namin, kami pa rin ang magsusuporta.
Sabi din sa papel, may allowance at dormitoryo akong makukuha, kung nais ko ng malapit sa eskwelahan, pero ayokong iwan si Inay at Itay.
--
Kinabukasan, Lunes, ang unang araw ng enrollment sa Lowell. Kailangan kong magmadali para makapag-enroll at hindi maabala. Nang naglalakad ako palabas ng hacienda, muling naaalala ko ang insidente nang muntik akong mabundol ng kotse, at pati ang masamang ugali ng babae sa loob ng sasakyan.
Habang naglalakad papunta sa jeep, isang sasakyan ang huminto sa tapat ko. Bumaba ang isang lalaki na pamilyar ang mukha, pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Lumapit siya sa akin.
"Lora?" tawag niya.
Tiningnan ko siya, medyo naguguluhan.
"Jonas, remember? Ako yung sa coffee shop," sabi niya.
"Ay, oo, Jonas. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Nakita kita naglalakad. San ka pupunta?" tanong niya.
"Mag-eenroll ako. Alis na ako, baka mahapunan pa," sagot ko.
"Saan ka mag eenroll,?" Tanong niya.
"Ah sa Lowell University." Magalang na sagot ko.
"Sa Lowell? Dun din ako pupunta. Huwag ka na mahiya, sabay ka na sa akin," sinabi niya, at dahil sa kabaitan niya, hindi na ako nag-atubili.
Pinayagan ko siyang magmaneho, at natuwa ako dahil ang linis at mabango ng kotse niya. Sa daan, marami siyang tanong—kung ilang taon ako, anong kurso ang kukunin ko. Sumagot naman ako, at napansin kong masaya siyang makausap ako.
Pagdating namin sa Lowell University, nagulat ako sa laki at ganda ng campus.
"Pagkatapos mong mag-enroll, gusto mo ba ng tour dito?" tanong ni Jonas.
"Okay lang, siguro pagkatapos," sagot ko, ngumiti.
Dumiretso kami sa information desk, kung saan nakilala ko si Xeron Clementine, ang CSC president. "Hi, bagong student ka?" tanong niya.
"Opo," sagot ko, tinitingnan ang map na ibinigay niya.
"Welcome sa Lowell University. I'm Xeron, your CSC president." Malaki ang ngiti niya, at iniabot sa akin ang kamay para mag-handshake. Medyo nahihiya ako, dahil maganda siyang babae at halatang mayaman. Pero nakangiti lang siya, at hindi ko na iyon inisip pa.
"Punta ka lang sa mga building na ito. Good luck, Lora," wika niya.
Naglakad pa kami ni Jonas papunta sa Photography Department, kung saan nakilala ko si Terence Hawks, isang 2nd-year student sa departamento. "Lora, you're gorgeous," sabi niya habang bineso-beso ako, na nagbigay sa akin ng maliit na pagkabigla.
"Hi, Terence," sagot ko ng mahinahon.
"He's gay," bulong ni Jonas sa akin. Natawa na lang ako at nagpasalamat sa kanilang tulong sa pagpapabilis ng proseso ng enrollment.
Pagkatapos ng enrollment, nagpasalamat ako sa kanila at nagpaalam upang makauwi at maghanda sa trabaho.
...
![](https://img.wattpad.com/cover/365849106-288-k607538.jpg)
YOU ARE READING
Loving Professor Tuazon
De TodoAelora Rhaena Tañez never expected to fall for her professor-especially not Elowyn Eleanor Tuazon, the enigmatic heir to a powerful family. But as their paths intertwine, buried memories and forbidden emotions resurface, challenging everything Aelor...