Feel it, don't run.
...
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, maaga akong nagising dahil tutulong sana ako sa tubuhan ngayon ng may tumunog na cellphone na nasa drawer ko. Dalawang linggo na rin nung binigay to sakin Aure pero hindi pa rin ako sanay."Aure?" Sabi ko matapos ko sagutin ang tawag niya.
"May gagawin ka ba today?" Tanong niya.
"Meron sana. Bakit?"
"Remember our activity sa subject ni Prof. Tuazon?" Tanong niya.
"Oo, ano dun?"
"Hindi kasi ako makahanap ng inspiration para dun. Nakagawa ka na ba?"
May activity kasi kami na pinapagawa ni Prof. Tuazon, isang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil may seminar daw ito sa ibang bansa. Kukuha kami ng series of pictures na kailangan may kuwento, pero walang kahit anong words na dapat mabasa dun, pictures lang talaga.
"May nasimulan na ako, kaso hindi ko sigurado kung itutuloy ko ba yun o hahanap ng bago." Sagot ko sa kanya.
"Sige, tulungan mo na ako. Para makapag decide ka din kung itutuloy mo ba yung nasimulan mo na." Pakiusap niya.
Pagkatapos ng tawag ay nag asikaso na ako para kumain ng agahan. Nagpaalam na din ako kay Inay at pumayag naman ito. Susunduin na lang daw ako ni Aure kaya pakakain ko ay naligo agad ako at nagbihis.
Sakto naman na pagdating niya ay palabas na ako ng bahay. Dala ko ang camera ko at wallet dahil yun lang naman ang importante.
Habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay naguusap kami kung ano ba yung puwedeng gawin. Nag suggest siya na subukan kaya namin sa lugar kung saan maraming tao. Mas marami ka kasing makukuhang ideya kapag napapaligiran ka ng iba't ibang tao sa isang lugar na may magandang ambiance.
Sinubukan namin sa isang park pero puro lang naman nagdidate na magjowa ang andun, sa simbahan naman ay masyadong gloomy kaya naisip namin na pumunta sa isa sa mga sikat na scenery dito sa bayan. Medyo malayo ito sa amin at inabot na kami ng tanghali bago nakarating.
Isa itong national park kung saan marami kang makikita na tanawin. May mga taong may kanya kanyang ginagawa, may mga stall din at iba't ibang paninda. Maya maya pa ay naagaw ang pansin ko ng isang lalaki na nagtitinda ng lobo, may bata itong kasama na naglalaro sa tabi niya.
Kinuhaan ko sila ng litrato mula sa iba't ibang anggulo. Makikita mo na kahit pagod na ang lalaki ay may malaki parin itong ngiti sa kanyang mga labi habang tinitingnan ang bata na naglalaro. Naupo ito sa isang bench at nagpunas ng pawis, ganun din ang ginawa niya sa bata. Kumuha pa ako ng iilang litrato.
"Lora, tapos ka na?" Tanong ni Aure.
"Oo. Pasok na to sa taste ko." Sabi ko habang nagtitingin ng mga nakuha kong litrato.
"Check mo tong sakin." Kinuha ko ang camera niya para tingnan kung ano ang mga kinunan niya.
Isa itong babae na palagay ko ay nasa mid-40s nagtitinda ito ng mga kakanin at may ilan ilan din customer ang namimili. May kasama itong isang binata na tumutulong sa kanya sa pagbibigay ng order. Magaganda din ang kuha ni Aurea, pagkatapos ko itong tingnan ay ibinalik ko sa kanya ang camera at nag thumbs up.
...
Lunes ngayon at wala akong ibang ginawa kundi yung activity ni Prof. Tuazon. Ngayon daw kasi ipapasa yun at hindi na daw siya magbibigay pa ng palugit dahil isang linggo daw siyang wala at may isang linggo kami para matapos iyon.
Nakatutok ako sa laptop at nagdodouble check nung mga photos na nakunan ko, nang masatisfy ako ay kinompile ko idto sa isang folder na may pamagat na "Balloons" dahil nga yung kuha ko sa National park yung ginamit ko.

YOU ARE READING
Loving Professor Tuazon
De TodoAelora Rhaena Tañez never expected to fall for her professor-especially not Elowyn Eleanor Tuazon, the enigmatic heir to a powerful family. But as their paths intertwine, buried memories and forbidden emotions resurface, challenging everything Aelor...