You have to believe in yourself when no one else does
...
Bumalik na ako sa resort at dumiretso sa kwarto namin ni Aure. Wala siya sa loob kaya inakala ko na lumabas ito kaya dumiretso ako ng higa."Holy Mother of.. Lora!" Bigla lumabas si Aure galing sa banyo at nagulat din ako ng makita ito.
"Akala ko lumabas ka?" Tanong ko sa kanya.
Tumalikod ako agad kasi nakatowel lang siya.
"Makatalikod naman Lora, akala mo naman wala ka nito." Sabi ni Aure habang tumatawa.
"Gago." Sagot ko naman na nahiga padapa.
....
Nagising ako na may tumatapik sa akin sa mukha.
"Hoy, gising na Lora. Tulog mantika naman masyado." Sabi nito habang tumatawa. "Let's go downstairs,dinner na." Sabi ni Aure.
Tumayo ako at nag pumunta sa bathroom. Naghilamos ako at nag mouthwash, sabay naman kaming bumaba papunta sa restaurant na nasa loob ng resort and I already saw the four professors sitting comfortable.
"They're here. Let's eat?" Sabi ni Ms. Jimenez.
"There will be a party sa seashore, punta tayo?" Rinig kong sabi ni Ms. Angeles.
Nag agree naman ang lahat habang ako ay walang imik. Napansin ko na lahat sila ay nakatingin sakin liban kay Ms. Tuazon na halatang bored na bored sa buhay.
"P..po?" Tanong ko naman.
"I said, we should go to the party later." Sabi ni Ms. Angeles sa akin.
"Ah, opo." Sagot ko naman.
Nag smile naman sila lahat at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay nagsibalik ulit sa kanya kanyang kuwarto para mag bihis. Wala akong pangligo kaya nagsuot na lang ako ng over sized sweat shirt at maong shorts.
"Bat ka naka ganyan, sea shore party yun, maliligo din tayo." Sabi ni Aure.
"Try this." Sabay abot naman niya sa akin ng two piece bikini.
"Hindi ako nagsusuot ng ganyan Aure." Sabi ko naman.
"Bilis naaa." Pamimilit sakin ni Aure sabay abot ng two piece at tinulak ako papuntang banyo.
Tinitigan ko pa yung two-piece swim suit, kulay navy blue ito at may mga design na stars. Napabuntong hininga pa ako.
"Ano na Lora. Ang tagal, huhubaran kita dito pag di mo sinuot yan." Sigaw ni Aure sa akin habang nasa labas siya.
Nagbihis na lang ako ulit, bago pa niya totohanin yun pananakot niya sa akin. Hindi ako komportable kasi first time ko mag suot nito. Ipinangilalim ko na lang ito sa suot ko.
"Sure ka bang suot mo?" Tanong sakin ni Aure na halatang di naniniwala na suot ko
"Oo nga. Suot ko." Sabi ko.
"Patingin?" Lumapit siya sa akin para iangat yung shirt ko kaya agad akong lumayo at tinabig yung kamay niya.
"Oo nga, suot ko. Para tong sira." Sabi ko
Ngumiti naman siya ng pagkalawak lawak saka tumawa. Hinila na niya ako palabas at sabay na kaming bumaba sa lobby.
Inaantay na lang namin yung mga propesora dahil sabay sabay daw kaming pupunta dun.
Unang dumating si Prof. Bell at Prof. Jimenez na nakasuot ng pink cover up at kita mo ang black bikini top niya, nakasuot din ng maong shorts na sobrang ikli at flats. Si Prof. Bell naman ay nakasuot ng see through black shirt at kupas na maong short na maikli din. Parehas sila nag uumapaw sa ganda at kinis. Sana all di ba.

YOU ARE READING
Loving Professor Tuazon
AcakAelora Rhaena Tañez never expected to fall for her professor-especially not Elowyn Eleanor Tuazon, the enigmatic heir to a powerful family. But as their paths intertwine, buried memories and forbidden emotions resurface, challenging everything Aelor...