Those who don’t know how to suffer are the worst off. There are times when the only correct thing we can do is to bear out troubles until a better day.”
– Deng Ming-Dao
....
Nasa coffee shop ako, busy sa pagre-review ng notes, at nagpasalamat na natapos ko na ang mga assignments ko kanina sa library. Kahit may laptop at cellphone ako, mas kampante pa rin ako sa books kapag nagre-research. Hindi ko kasi alam kung gaano katotoo lahat ng nasa internet; parang mas mapagkakatiwalaan ang libro.Lumapit si Linda at iniabot sa akin ang isang malaking kahon. Tumingala ako, nagtataka.
“Ano 'to?” tanong ko.
“Kahon,” sagot niya nang walang kapararakan.
“I mean, kanino galing?” tanong ko ulit, alam na mahilig si Linda mag-sarcastic. Kung sport lang 'yun, champion na siya.
“May nagbigay niyan sa 'yo. May lalaking nagdala—sinabi na delivery daw para sa 'yo.”
Curious, binuksan ko ang kahon. Nasa loob ang isang royal blue na dress, backless at hanggang tuhod, may beads sa paligid ng chest area. May nakaipit na note sa loob.
“Wear this to the welcoming party.”
— W.Walang pangalan, "W" lang ang initial. Sino kaya ito? Hindi ko naisip na si Aure 'yun; kung siya, siguradong sinabi na niya. Hindi ko alam kung isusuot ko ba 'yun sa event ng Lente Lumière next weekend kaya nilagay ko na lang muna sa locker ang kahon.
---
Natapos ang shift ko at tumawag si Aure habang pauwi ako.
“Nasan ka na?” tanong niya.
“Kakatapos lang ng work. Bakit?”
“Hindi ko pala natanong kung sasama ka sa out-of-town trip ng mga profs this weekend.”
Nakalimutan ko na halos. Hindi ko naman kayang tumanggi, lalo na’t sila na ang nag-imbita.
“Kung pupunta ka, sasama ako,” sagot ko.
“Okay, sige. Oh, at huwag ka nang mag-alala sa gastos—ako na ang bahala. K, bye!” Halata ang excitement niya bago binaba ang tawag.
Napatawa na lang ako at napailing sa pagiging galante ni Aure, kulang na lang bumili ng bahay at lupa para sa akin. Buti na lang at nakasakay ako sa huling jeepney pauwi, excited na maibigay ang parte ng sweldo ko kay Inay para sa aming pang-araw-araw na gastusin.
Pagdating ko sa bahay, napansin kong may nakaparadang kotse sa harapan na hindi ko kilala. Hindi 'yun kay Aure. Pumasok ako sa loob, at sa sala ay nandoon ang ilang hindi pamilyar na tao kasama si Inay.
“Lora, nandito ka na,” sabi ni Inay nang makita ako.
“Opo, Nay, kakagaling ko lang sa trabaho,” sagot ko, pinipilit na huwag itanong agad ang tungkol sa mga bisitang mukhang may kakaibang pagkakahawig sa akin.
“Pumunta ka na muna sa kwarto mo. May pag-uusapan lang kami ng mga bisita ng iyong ama. Kumain ka na ba?” tanong niya.
“Opo, Nay, kumain na po ako sa coffee shop kanina.” Ngumiti ako nang magalang sa mga bisita bago pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng pambahay at humilata sa kama. Mamaya na ako maghuhugas.
---
Nagising ako sa tunog ng cellphone. Hinanap ko ito nang nakapikit pa rin. Si Aure ang tumatawag.
“Hello?” sagot ko nang paos.
“Kakagising mo lang?” tanong niya, pabiro.
“Oo, bakit?” Tinignan ko ang oras—alas-singko ng umaga. Anong ginagawa niya nang ganito kaaga?

YOU ARE READING
Loving Professor Tuazon
RastgeleAelora Rhaena Tañez never expected to fall for her professor-especially not Elowyn Eleanor Tuazon, the enigmatic heir to a powerful family. But as their paths intertwine, buried memories and forbidden emotions resurface, challenging everything Aelor...