Will there be anything good for me?
...Inaantok ako habang nasa biyahe, rinig ko ki Ms. Bell ay 3 hours daw ang biyahe pero nakakaisang oras pa lang kami ay inaantok na ako. Nagpatugtog na rin si Aure ng kanta at halata kong ang lulungkot na pinapatugtog niya kaya mas nakakaantok. Hikab ako ng hikab ng maramdaman kong may humihila sa laylayan ng t-shirt ng suot ko, napatingin ako kay Ms. Tuazon.
"You can lean on my shoulder, if you're sleepy." Sabi niya ng pabulong.
"Okay lang po Ma'am. Nakakahiya naman po." Sabi ko.
"Kanina ka pa hikab ng hikab diyan. Sleep now or ibabagsak kita?" Pananakot nito.
"Sabi ko nga po matutulog na." Sagot ko sa kanya.
Nag lean ako sa balikat niya at ilang segundo lang ay nakatulog ako agad.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Maya maya ay minulat ko ang mata ko at nakita ko si Aurelia na nakahawak sa balikat ko.
"Tagal magising naman, Lora." Maya maya pa ay tumingin ako sa katabi ko na halatang kanina pa naiinip.
Napasarap pala yung tulog ko. Nakakahiya ka talaga Lora, jusko. Napansin kong yung braso ko ay nakapulupot sa tiyan niya at agad ko itong inalis.
"Let's go." Narinig kong sambit niya sa akin.
Pulang pula yung mukha ko ng nakababa ako sa van. Nauna na si Prof. Tuazon na naglakad palayo sa amin.
"Taray naman Lora. Nakahug agad." Pang aasar sa akin ni Aure.
"Gano na tayo katagal nakarating?" Tanong ko.
"Hmm 30 minutes na rin siguro." Sagot ni Aure.
Nanglaki yung mata ko. 30 minutes akong nakaganun kay Prof. Tuazon. Nakakahiya! Mag apologize na lang ako sa kanya mamaya.
Hinila ako ni Aure sa reception at kitang kita mo ang ganda ng dagat pagpasok pa lang. Wala masyadong tao dito ngayon, siguro ay private resort ito.
"Aure and Lora, this is your room key. Kayo ang magkasama sa kwarto." Sabi ni Ms. Jimenez at inabot ang susi kay Aure.
Sabay na kaming umakyat sa ika apat na palapag dahil naruon ang kwarto namin. Magkakatabi naman ang mga silid namin kaya kung may kailangan daw kami ay kumatok lang kami.
Si Ms. Angeles at Ms. Tuazon ang magkasama sa kuwarto at si Ms. Jimenez naman at Ms. Bell ang sa kabila.
Nag ayos kami ng gamit ni Aure at nilagay ang mga gagamitin namin dun sa built in closet na nasa kwarto. Pagkatapos nun ay kumatok at pumasok si Ms. Bell at inaya kaming kumain ng pananghalian.
Sabay kaming bumaba at susunod na lang daw si Ms. Tuazon na nasa kwarto pa nito.
Nang makarating kami sa baba ay dumiretso kami sa isang restaurant. Kinausap ni Ms. Bell yung hostess and nag request siya na sa kubo na lang na malapit sa dagat kami kakain. Nag order muna sila bago kami pumunta dun sa kubo.
"Ano sayo Lora?" Tanong ni Ms. Bell.
"Kahit ano Ma'am basta wag seafood, allergic daw yan si Lora." Sagot ni Aure. Habang umoorder sila ay dumating na din si Ms. Tuazon, nakatingin ito sa akin at bigla niyang nilayo ang tingin ng mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya. Sungit.

YOU ARE READING
Loving Professor Tuazon
De TodoAelora Rhaena Tañez never expected to fall for her professor-especially not Elowyn Eleanor Tuazon, the enigmatic heir to a powerful family. But as their paths intertwine, buried memories and forbidden emotions resurface, challenging everything Aelor...