Chapter 5

11 0 0
                                    

Ailana's POV

Enrollment na namin ngayon, sabay-saby kaming lima magpapaenroll although iba-ibang kurso kukunin namin. It feels different waking up in a different place, it feels odd.

Hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan ako ni Tita na dito ako pag-aaralin. I did not know what changed her mind, but I'm sure she's still not totally okay with her decision.

Alam kong may bumabagabag pa rin sa kanyang isipan. Maybe she will just miss me, or something deeper. And I don't know how deep that is.

Napabuntong-hininga nalang ako sa aking naisip at nagtungo sa bintana para tingnan ang tanawin sa labas.

I opened the curtains of my window to see the busy street and people in Manila. My Tita bought this condo for me, I told her na okay lang if apartment lang. But she insisted, she wants me safe and secure.

I chose a studio type unit, since isa lang naman ako. A studio type unit is already enough with me. Walang balcony, pero may malaking bintana naman kung saan ako nakatingin ngayon.

People are really busy outside, ambibilis maglakad! Napuna ko rin ang kahabaan ng traffic sa Manila na unti unting umuusad. May mga nagtitindan ng tubig, pamaypay, pamunas na sumisiksik sa kalagitnaan ng traffic para lang makapagbenta, hindi inalintana ang init ng panahon.

Life is really different from other people.

Bagong bago sa paningin ko ang tanawin sa Manila, kung sa province puro malalaking puno ang nakikita ko, dito naman malalaking gusali ang nakikita ko. Kung sa province mga huni ng ibon ang naririnig ko, dito naman iba't ibang tunog ng mga sasakyan ang naririnig ko. It was stressful and a fast paced city.

Manila is a really bustling place.

Tiningnan ko ang relo ko kung anong oras na. It's already 8:00 am, 8:30 am ang usapan namin. Tapos na akong maghanda, naghihintay nalang ni Seah.

Kapag si Seah talaga ang kasama mo, wag mo ng asahan na mapapaaga kayo. Hay, ewan ko nalang talaga kung maging Doctor na yun.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya nang biglang may kumatok sa pinto ko. Sa tunog pa lang ng pagkatok niya ng pintuan ko na parang bang may humahabol sa kanya, alam kong siya na yun.

"Ang tagal mo, alam mo namang sasalabungin pa natin ang traffic." bungad ko agad sakanya pagkabukas ng pinto.

"Oh, I'm sorry. Si Ate kasi eh! Dami daming inuutos." sabi niya at tinanggal ang shades niya. Pinasasahan ko ng tingin ang suot niya.

She's wearing a long denim skirt, with a high slit on the front partnered with a squared neck black long sleeves top. She tied her hair into a high ponytail. Nakasamba rin siya gaya ko.

Compared sa kanya, naka baggy jeans lang ako at white loose polo together with my black cap. Bigay ni Tito Ed. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok.

"Sila Blair ba?" Seah asked while texting.

I grabbed my bag and the key of my unit para makalabas na kami.

"Sabi niya sakin dun nalang daw tayo magkita, sabay na sila Clara. Si Hugo naman, susunduin pa natin." sabi ko habang naglalakad patungong pintuan.

"Okay," Seah rerouted her eyes at me and smiled. "Let's go?"

"At nagtanong pa talaga, tara na nga! Yung 8:30 natin magiging 9:00 am yan kita mo."

Seah laughed at nauna pang lumabas.

"Sabi ko nga, tara na."

I just rolled my eyes and followed her. Pagkatapos kong ilock yung pinto, pumanhik na kami sa elevator. Tahimik lang kami sa elevator kasi busy siya kakatext.

Promdi GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon