Blair’s POV
“You don’t trust easily to strangers, Ai.” Hugo said seriously while frowning.
Ailana turned to him and raised her eyebrows. “I did not trust him easily, Hugo. Wala ka bang comprehension sa kwento ko?”
“Nakipag-usap ka nga,” masungit na sabi ni Hugo.
“Exactly, nakipag-usap lang.” ani ni Aila na diniinan pa ang huling salita. “Hindi nga siya nag-offer na ihatid niya ako kasi sabi niya, nirerespect niya privacy ko.” Dagdag pa niya at umirap.
I sip on my mango shake while staring at them. Matapos magkwento ni Aila sa’min na may lalaking biglang nakipag-usap sakanya kaninang hatinggabi ay eto si Hugo, naiinis.
Well, I understand him though. Nag-aalala lang siya ni Ailana, marami pa namang modus dito sa Manila. But Aila said that she was comfortable talking to his man, I trust her though.
Girl instincts never fails.
“Baka naman kasi kinuha lang ang loob mo nun? Tapos malay mo, may balak palang masama sa’yo.” Ani ni Hugo na nilalahad pa ang kamay.
Napailing na lang si Aila at nagpatuloy sa pagkain ng fries niya.
“Whatever, I only gave him the surface.” Irap ulit ni Ailana.
“Hugo, nag-ooverthink ka lang. You judge too easily,” singit ko kaya napabaling ang tingin ni Hugo sa’kin.
Kumunot ang kanyang noo. He really is damn serious and anxious.
“Wala naman kasi ako parati sa tabi niyo para protektahan kayo,” napahalukipkip si Hugo at napanguso.
“Wala ka kasing tiwala sa’kin,” Aila murmured beside him. “Kumain ka na nga diyan.” Aniya sabay tulak sa burger ni Hugo.
Natahimik nalang si Hugo at nakasimangot na kinain ang burger na binigay ni Aila sakanya. Kinalabit ko siya at nginisihan.
“What’s with the face?” natatawa kong sabi habang nakaturo sa mukha niya. “Malas daw yung nakasimangot habang nakain.”
Inirapan niya lang ako at itinuon ulit ang atensyon niya sa pagkain, kaya mas lalo akong natawa.
Minsan lang kasi naiinis si Hugo kaya minsan tinatawanan ko talaga siya. Hindi ako sanay na naiinis siya, madalas kasi ay siya ang nang-aasar sa’min lalo na kay Aila.
“Highblood masyado eh,” kibit balikat ni Aila pero hindi na siya pinansin ni Hugo.
Napailing-iling lang si Hugo at seryosong nagpatuloy sa pagkain.
“Hi guys!” biglang dating ni Clara at umupo sa tabi ko. “Grabe, nakakabaliw yung mga minor subjects.” Reklamo niya agad habang pinaypayan ang sarili niya.
Tinali niya ang buhok niya at hinubad ang suot niyang jacket.
“Wala si Seah?” tanong niya.
“Hindi natin siya maaabutan, conflict sa schedule niya.” Sagot ko sa tanong niya.
“Nagkasalubong kami kanina sa condo, galing siyang gym.” Aila said which made my eyebrows shot up.
“Wow, nag-gygym na pala siya ulit? Hindi siya nagshare sa’kin ha.” Ani ko.
“Hugo pahingi,” ani ni Clara sabay nguso sa fries ni Hugo.
Walang imik na inabot ni Hugo ang fries niya at nagpatuloy sa pagkain ng burger niya.
Inilapag ni Clara ang kanyang cellphone at may hinahalungkat sa bag niya.
“Kakabalik niya lang ata,” kibit-balikat ni Aila.
BINABASA MO ANG
Promdi Girls
RomanceFour bestfriends lives were changed when they were suddenly living in Manila charting their own lives. They never knew what Manila has to offer on their plates, not until they met someone who captured their hearts. Before they can stop it, things be...